• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First team-up nina BEA at ALDEN, inaasahan na magiging matagumpay tulad ng ‘Hello Love Goodbye’

MARAMING fans nina Alden Richards at Bea Alonzo ang nagpahayag nang suporta nila sa unang pagtatambal sa pelikula ng dalawang sikat na celebrities, na parehong endorsers ng isang shampoo brand.

 

 

Personal daw na nagpaalam si Bea kay Carlo Katigbak, ang president at CEO ng ABS-CBN. Bago raw tinanggap ni Bea ang offer na movie with Alden ay ipinaalam na nila agad ito kay Mr. Katigbak bilang respeto.

 

 

Naghahanda na ngayon si Bea sa project niya with Alden. Pilipino adaptation ito ng hit Korean movie titled A Moment to Remember.

 

 

Nakaka-excite ang project dahil unang movie ito nina Bea at Alden. Ang movie ay ididirek ni Nuel Naval. Ito ay kwento ng isang couple struggling with the onset of Alzheimer’s Disease.

 

 

Bagong experience naman itong muli with Bea, na kilala sa tandem niya with John Lloyd Cruz.

 

 

Inaasahan na magiging big hit din ang A Moment to Remember, tulad ng tagumpay ng Hello Love Goodbye, na unang movie naman ni Alden with Kathryn Bernardo.

 

 

Pero dapat din abangan ang reunion movie ni Bea with John Lloyd. Ito raw ang kasunod na project ni Bea right after the movie with Alden.

 

 

***

 

 

PABORITO marahil ng Saranggola Media si Direk Joven Tan dahil may bagong movie na naman agad ito.

 

 

Titled Ayuda Babes, follow-up ito ni Direk Joven sa award-winning filmfest entry na Suarez: The Healing Priest, na entry sa Metro Manila Film Festival last December.

 

 

If we go by the saying that laughter is the best medicine, magandang pampapatanggal ng stress itong Ayuda Babes dahil sa comedy na hatid ng pelikula.

 

 

Tampok sa movie ang newly-minted TikTok King Gardo Versoza, Joey Paras, Iya Mina, Juliana Porizcova Segovia, Negi, Brenda Mage, Petite Brockovich, Bernie Batin, Ate Gay, Bidaman Dan Delgado, HashTag hunk Zeus Collins, Mario Mortel, at You Tuber Christi Fider.

 

 

“Bukod sa entertainment value ng pelikula at sa kagustuhan namin na magpatawa at magpaya ng tao, itong Ayuda Babes ay tribute ko sa tapang, tenacity, at tiyaga ng mga Pinoy. Saludo ako sa pagiging survivor ng Pinoy na kahit nahaharap sa crisis, sa tulong ng Diyos, ay patuloy na lumalaban sa buhay,” pahayag ni Direk.

 

 

”Madalas nga ay nagagawan natin ng paraan na harapin ang anumang problema na sa ayin ay sumasapit. Kahit na almost a year na ang covid ay gumagawa tayo ng paraan para labanan ito,” sabi ni Direk.

 

 

“Maganda yung attitude na lagi tayo on the positive side and we still count our blessings, thankful for what we have and smile. Maaring seryoso ang pagtingin natin sa mga kinakaharap natin problema pero narito pa rin tayo para mag-enjoy sa buhay natin, kasama ang ating pamilya. Yan ang mensahe namin sa pelikula pero in a funny way.”

 

 

Ayuda Babes streaming starts March 5 on iWant, TFC and Ktx.Ph. You may buy your tickets in advance! (RICKY CALDERON)

Other News
  • Sa 7th birthday ng bunso na si Luna: JUDY ANN, nakita na rin si GLADYS after five years at nag-Tiktok pa

    KAYBILIS ng panahon, pitong taon na ang bunsong anak nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na si Luna Agoncillo.     At dahil itinuturing na milestone ang edad na pito ng isang bata, isang masayang children’s party ang ginanap sa Dreamplay sa Parañaque kung saan nag-enjoy ang mga bisita, bata man  o matanda sa masayang […]

  • Ads September 2, 2023

  • Patay na si Efren ‘Bata’ Reyes, ‘fake news’

    Nag-react ang pamilya ng Pinoy billiard champion na si Efren “Bata” Reyes sa mga lumabas sa social media na pumanaw na ito kamakailan.   Ayon sa anak ni Bata na si Chelo Reyes, “fake news” umano ang naturang impormasyon dahil maayos ang kalagayan ng kanyang ama.   Bilang patunay, nag-post pa ito ng video, kung […]