• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First team-up nina BEA at ALDEN, inaasahan na magiging matagumpay tulad ng ‘Hello Love Goodbye’

MARAMING fans nina Alden Richards at Bea Alonzo ang nagpahayag nang suporta nila sa unang pagtatambal sa pelikula ng dalawang sikat na celebrities, na parehong endorsers ng isang shampoo brand.

 

 

Personal daw na nagpaalam si Bea kay Carlo Katigbak, ang president at CEO ng ABS-CBN. Bago raw tinanggap ni Bea ang offer na movie with Alden ay ipinaalam na nila agad ito kay Mr. Katigbak bilang respeto.

 

 

Naghahanda na ngayon si Bea sa project niya with Alden. Pilipino adaptation ito ng hit Korean movie titled A Moment to Remember.

 

 

Nakaka-excite ang project dahil unang movie ito nina Bea at Alden. Ang movie ay ididirek ni Nuel Naval. Ito ay kwento ng isang couple struggling with the onset of Alzheimer’s Disease.

 

 

Bagong experience naman itong muli with Bea, na kilala sa tandem niya with John Lloyd Cruz.

 

 

Inaasahan na magiging big hit din ang A Moment to Remember, tulad ng tagumpay ng Hello Love Goodbye, na unang movie naman ni Alden with Kathryn Bernardo.

 

 

Pero dapat din abangan ang reunion movie ni Bea with John Lloyd. Ito raw ang kasunod na project ni Bea right after the movie with Alden.

 

 

***

 

 

PABORITO marahil ng Saranggola Media si Direk Joven Tan dahil may bagong movie na naman agad ito.

 

 

Titled Ayuda Babes, follow-up ito ni Direk Joven sa award-winning filmfest entry na Suarez: The Healing Priest, na entry sa Metro Manila Film Festival last December.

 

 

If we go by the saying that laughter is the best medicine, magandang pampapatanggal ng stress itong Ayuda Babes dahil sa comedy na hatid ng pelikula.

 

 

Tampok sa movie ang newly-minted TikTok King Gardo Versoza, Joey Paras, Iya Mina, Juliana Porizcova Segovia, Negi, Brenda Mage, Petite Brockovich, Bernie Batin, Ate Gay, Bidaman Dan Delgado, HashTag hunk Zeus Collins, Mario Mortel, at You Tuber Christi Fider.

 

 

“Bukod sa entertainment value ng pelikula at sa kagustuhan namin na magpatawa at magpaya ng tao, itong Ayuda Babes ay tribute ko sa tapang, tenacity, at tiyaga ng mga Pinoy. Saludo ako sa pagiging survivor ng Pinoy na kahit nahaharap sa crisis, sa tulong ng Diyos, ay patuloy na lumalaban sa buhay,” pahayag ni Direk.

 

 

”Madalas nga ay nagagawan natin ng paraan na harapin ang anumang problema na sa ayin ay sumasapit. Kahit na almost a year na ang covid ay gumagawa tayo ng paraan para labanan ito,” sabi ni Direk.

 

 

“Maganda yung attitude na lagi tayo on the positive side and we still count our blessings, thankful for what we have and smile. Maaring seryoso ang pagtingin natin sa mga kinakaharap natin problema pero narito pa rin tayo para mag-enjoy sa buhay natin, kasama ang ating pamilya. Yan ang mensahe namin sa pelikula pero in a funny way.”

 

 

Ayuda Babes streaming starts March 5 on iWant, TFC and Ktx.Ph. You may buy your tickets in advance! (RICKY CALDERON)

Other News
  • Pelicans star Williamson napiling isa sa cover ng NBA 2K21

    Napili bilang cover ng NBA 2K21 si New Orleans Pelicans star Zion Williamson.   Ang nasabing anunsiyo ng ay isang araw matapos na unang napiling maging cover si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard.   Sa mga susunod na araw ay iaanunsiyo ng NBA kung sino ang pangatlong player na magiging cover ng nasabing NBA […]

  • Medical, nursing students, makikiisa sa vaccination efforts ng gobyerno

    SINABI ni National Task Force Against Covid-19 special adviser Dr. Teodoro Herbosa na may mga senior medical at nursing students ang makikiisa upang maging kabahagi ng Covid-19 vaccination rollout efforts ng pamahalaan bilang volunteer vaccinators.   Aniya, nakatakdang mag-sign up ang mga ito upang maging volunteer vaccinators.   Sinabi ni Herbosa na ang pagkuha ng […]

  • Ex-gf ni JOEM na si CRISHA, nagalit at parang sinampal sa mukha kahit alam na karelasyon si MERYLL

    “KINAKABAHAN ako,” ang unang bungad ni Crisha Uy, ang vlogger na ex-fiancee ni Joem Bascon.   Sa totoo lang, nagugustuhan namin kung paano niya ina-address ng makatotohanan at with class pa rin ang mga sunod-sunod na nangyari sa kanya.   Umiyak man siya noon na nag-vlog at ibinalitang hindi na matutuloy ang kasal nila, pero […]