FIST ACT pirmado na ni PDu30
- Published on February 19, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang na napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang isang batas ang RA 11523 o mas kilala bilang Financial Institution Strategic Transfer o FIST ACT.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na napapanahon na ang pagpasa ng FIST Law lalo na sa ngayon na ang lahat ay nasa panahon ng pandemiya.
Sinabi nito na nagpapasalamat ang Malakanyang sa Kongreso sa pagsasabatas ng RA 11523 na sinertipikahang “urgent” ng Pangulo.
“Pinapalakas nito ang ating financial sector na kinakailangan sa muling pagbangon ng ating ekonomiya. Kinikilala ng estado ang mahalagang papel po ng mga bangko at financial institutions as mobilizers of savings and investments and in providing the needed financial system liquidity to keep the economy afloat,” ayon kay Sec. Roque.
Dahil dito ay kinakailangan na mapanatili ng mga bangko at iba pang financial insitutions ang kanilang financial health.
“Kasama ito ang pag-address ng non-performing asset problems of the financial sector, paghikayat ng private sector investment sa mga non-performing assets, pagtanggal ng mga hadlang o barriers sa pagkuha o acquisition ng non-performing assets, pagtulong sa rehabilitasyon ng nahihirapang negosyo or distressed businesses, pag-improve sa liquidity ng financial system,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Aniya pa, nananatili ang layunin ng pamahalaan na ibangon ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng fiscal at economic reforms at kasama ng rollout ng ating mass vaccination program.
“Sabay-sabay tayong gagaling at aahon mula sa Covid-19,” ani Sec. Roque.
Samantala, nauna nang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na tinintahan na ni Pangulong Duterte ang FIST bill bilang isang bagong batas na naglalayon na bumuo ng specialized asset-managing corporations.
Sinabi ni Diokno na sa ilalim ng FIST law ay dadali para sa mga bangko na i-dispose ang bad assets sa pamamagitan ng Asset Management Companies.
Dagdag ni Diokno, makakatulong rin ang bagong batas para manatiling stable ang bangking system sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Matatandaan na isinulong noon ni Diokno ang panukala sa kadahilanan na posibleng humina ang kapasidad ng borrowers na magbayad dahil sa disruption ng cash flows sa huling bahagi ng 2020.
Mababatid na layon ng nasabing panukala na lumikha ng specialized asset-managing corporations na pwedeng mag-acquire sa bad loans at stagnant properties mula sa mga problemadong financial institutions.
Sa ilalim ng panukala ay maaring mag-invest, o mag-aquire ng non-performing assets (NPAs) ang mga Fist corporation mula sa financial institutions, at makipag-ugnayan sa third parties para sa management, operation, collection, at disposal ng acquired NPAs. (Daris Jose)
-
PBA nakahanda sakaling lumala ang kaso ng Omicron sa bansa
Pinaghahandaan na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang posibleng pagdami ng kaso ng Omicron coronavirus variant. Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na kung anumang ang maging kautusan ng gobyerno na itigil ang mga pagkakaroon ng live audience sa kanilang laro ay kanilang susundin bilang pag-iingat na rin dahil sa mas mabilis na […]
-
SSS sa mga miyembro, magsimula nang mag-impok para sa retirement
HINIKAYAT ng State-run Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito na simulan na ang mag-impok para sa kanilang retirement sa ilalim ng muling ipinakikilalang savings program na maaaring umani ng mas mataas na annual return. Sa isang kalatas, sinabi ni SSS president at CEO Rolando Macasaet na ang mga miyembro ay […]
-
WHO, kinilala ang magandang vaccination rollout ng Taguig City
Kinilala ng World Health Organization (WHO) ang lungsod ng Taguig dahil sa kasanayan nila sa vaccination rollout. Nakapagbakuna kasi ang Taguig City ng 4,000 katao sa loob ng isang araw. Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, na naging detalyado sa pagpaplano at execution ang city government ng Taguig sa […]