Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay
- Published on July 20, 2022
- by @peoplesbalita
BILANG pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay.
Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang isyu bukod pa sa iba pa nitong tungkulin at responsibilidad.
“It is high time that our barangay officials be given what is due for them and recognize their vital role in carrying out government activities to the communities,” ani Duterte.
Sa House Bill 502, isinusulong ng mambabatas ang pagkakaroon ng fixed salary sa barangay officials at pagdeklara sa kanilang bilang regular government employees upang makatangap ng tamang kompensasyon at iba pang benepisyo na tinatanggap ng government employees.
Bilang basic political unit, nagsisilbi ang barangay bilang primary planning and implementing unit ng government projects, programa at polisiya.
Ang barangay chairman at miyembro ng barangay council ay tumatanggap ng lamang ng honorarium at hindi fixed na sahod. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Bukod sa tuluy-tuloy na ang pagti-taping nila ni Bea: ALDEN, happy na maraming makapapanood ng serye nila at tuloy ang US concert tour
TULUY-TULOY na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pagti-taping ng first teleserye nila ni Bea Alonzo sa GMA Network, ang Philippine adaptation ng Korean drama series na Start-Up na malapit-lapit na ring mapanood. Happy rin ngayon si Alden na nagsimula nang mapanood sa Netflix ang The World Between Us, ang drama series […]
-
Davao City, isasailalim sa MECQ simula Hunyo 5
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Huwebes, Hunyo 3, 2021, na isailalim ang Davao City sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 20, 2021. Bukod dito, inaprubahan din ng IATF ang General Community Quarantine status ng General Santos City simula Hunyo 5 hanggang Hunyo 30, 2021. […]
-
Matapang na sinagot ang mga nam-bash sa kanya: LIZA, sang-ayon sa sinabi ni OGIE at ‘grateful’ sa lahat ng naitulong
SA exclusive interview ng ABS-CBN News, buong tapang na sinagot ni Liza Soberano ang mga namba-bash sa kanya na tinawag siyang “ungrateful”, “ingrata”, “walang utang na loob” at kung ano-ano pa. After nga ito nang ilabas niya ang YouTube vlog kung saan nagbahagi siya ng mga saloobin at pananaw sa 13-year showbiz career sa […]