• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Floating barrier ng Chinese Coast Guard sa Baj de Masinloc tinanggal na ng Philippine Coast Guard

TINANGGAL na ang Philippine Coast Guard ang floating barriers na inilagay ng mga Chinese Coast Guard sa southeast portion ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.

 

 

Sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela na ang kanilang ginawa ay naaayon sa international law ganun din ang soberanya ng Pilipinas sa shoal.

 

 

Ipinag-utos mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at at National Security Adviser Eduardo Ano na siyang namumuno ng National Task Force for the West Philippine Sea ang nasabing

 

 

Ang nasabing barrier ay nagiging hadlang sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc na siyang integral part ng national territory ng bansa.

 

 

Nadiskubre ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Setyembre 22 ang floating barrier na may habang 300 metro.

 

 

Maaari daw tanggalin talaga ito ng Philippine Coast Guard (PCG) ang boya o floating barrier sa Bajo de Masinloc na inilatag ng China.

 

 

Ito ang sinabi ni Natio­nal Security Council (NSC) spokesperon Assistant Director General Jonathan Malaya sa Bagong Pilipinas Ngayon.

 

 

Paliwanag ni Malaya, ang Bajo de Masinloc ay napakalapit sa Zambales at nasa loob ng 200 nautical miles ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

 

 

Tinukoy rin ng opisyal ang arbitral ruling na nagsasabing may karapatan ang mga mangingisdang Pilipino na malayang makapangisda sa naturang bahagi ng karagatan.

 

 

Samantala, sinabi na­man ni PCG Commodore Jay Tarriela, na hindi maaaring basta-basta putulin ng PCG ang floating barrier na nasa 300-metrong haba dahil kailangan pa ng permiso mula sa national government.

 

 

“We have to clear it with the Department of Foreign Affairs and the Department of Justice and more importantly to seek guidance from the National Security Adviser himself,” saad pa ni Tarriela.

 

 

Ang naturang barrier ay inilagay para pigilan ang mga Filipinong mangi­ngisda na makapasok sa Scarborough.

 

 

Nakunan umano nila ng ebidensya sa pamamagitan ng camera ang ginawang paglalagay ng floating barriers ng China. Nagpadala pa umano ang China Coast Guard ng 15 radio challenges para paalisin ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at mga bangkang pangisda ng mga Pilipino.

 

 

“All of this evidence will be presented to the Task Force West Philippine Sea. We have to be careful na walang magagawang diplomatic misstep ang Philippine Coast Guard,” paliwanag ni Tarriela. (Daris Jose)

Other News
  • Pagsuspinde sa barangay SK elections desisyunan na! – Comelec

    UMAASA  ang Commission on Elections (Comelec) na makaka­pagdesisyon na ang Kongreso hanggang katapusan ngayong Agosto kung sususpindehin ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) upang makapag­handa sila.     Sinabi ni Election Chairman George Erwin Garcia na handa na silang humarap sa pagdinig na ipatatawag ukol sa BSKE kung sususpindehin ito o itutuloy sa Disyembre. […]

  • 2 bagong State-of-the-Art Buildings sa Valenzuela, itatayo na

    SISIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ang pagtatayo ng bago at modernized na Finance Center Building at Legislative and People’s Center Building kasunod ng isinagawang groundbreaking ng mga ito bilang sagot sa mga umiiral na isyu sa city hall.     Ayon kay Mayor Gatchalian, napanssin niya ang […]

  • Maraming netizens ang naka-relate sa nangyari: AIKO, naimbyerna sa isang airline dahil nasira ang mamahaling maleta

    NA-IMBYERNA si Quezon City Councilor Aiko Melendez sa isang airline company after na masira ang expensive luggage nang pumunta sila Taiwan.     Ipinost ng aktres sa kanyang Facebook account last February 1 ang labis na pagkadismaya niya sa kilalang airline kasama ang photos ng nasirang maleta.     Caption ni Aiko, “Philippine Airlines what […]