• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FLOOD-CONTROL PROJECTS, handa na para sa LA NIÑA-PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña.
“The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges  for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon.
Ang alalahanin ay naungkat matapos na maiulat ang pagkaubos ng calamity funds ng local government units (LGUs) dahil sa pagtugon sa napakatagal na dry spell o panahon ng tag-tuyot.
“Naka-ready naman kami, but of course,  the long term, ang talagang solusyon dyan is ‘yung flood control,” ayon sa Pangulo.
“Aayusin natin ‘yung flood control, gagawin nating irrigation, mag-iipon tayo ng tubig para pagka naabutan na naman tayo ng tagtuyot, kagaya ngayon ay mayroon tayong pagkukuhanan ng tubig. There’s no need to do anything special,” ayon sa Chief Executive.
Aniya pa, ginagawa na ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para sa paghahanda sa La Niña na sa pagtataya ay tatama sa bansa sa huling bahagi ng taon.
Samantala, si Pangulong Marcos ay nasa Tacloban City para pangunahan ang pamamahagi ng 5,000 titulo ng lupa sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Eastern Visayas, pagtupad sa kanyang pangako na makapagbigay ng lupang sakahan sa mga magsasaka na walang lupain. (Daris Jose)
Other News
  • Ads October 5, 2021

  • Mahigit 1.2-M reserve force nakahandang tumulong sa mga giyera at kalamidad

    MAYROONG  mahigit 1.2 milyon reserve force ang bansa na aasahan sa panahon ng matinding kalamidad at giyera.     Sinabi ni Vice Admiral Rommel Reyes, ang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang nasabing bilang ay maaring imobilize.     Dumalo si Reyes sa pagdinig ng Senate committee on […]

  • Brook Lopez pumako ng pitong tres laban sa Cavs

    Umiskor si Brook Lopez ng 7 for 9 mula sa 3-point range at umiskor ng 29 puntos nang talunin ng Milwaukee Bucks ang skidding Cleveland Cavaliers, 113-98, noong Miyerkules ng gabi (Huwebes, oras ng Maynila).   Limang sunod na laro ang natalo ng Cavaliers mula nang makipagkarera sa 8-1 simula.   Si Giannis Antetokounmpo ay […]