• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Florita’ iniwan P33.7-M halagang pinsala sa imprastruktura, P3.4-M sa agrikultura

MILYUNG -milyong halaga ng pinsala na ang idinulot ng nagdaang bagyong “Florita” sa buong Pilipinas sa ngayon ayon sa  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) — ito habang apektadong populasyon lumobo sa 71,468 katao.

 

 

Ayon sa NDRRMC, Biyernes, umabot na sa P33,700,000 halaga ng damage na ang naidulot ng sama ng panahon sa buong bansa:

 

Ilocos Region (P10,200,000)

Cagayan Valley (P23,500,000)

 

 

Pagdating sa sektor ng agrikultura, pumalo na sa P3.414,672 ang halaga ng production loss o pinsala sa Region 1.

 

 

Sinasabing 324 magsasaka at mangingisda na ngayon ang apektado na siyang sumasaklaw sa 633 ektaryang taniman na bahagyang na-damage. Aabot naman na sa 223 metric tons ang volume ng production loss sa ngayon.

 

 

Bukod pa sa imprastruktura at agirkultura, aabot naman sa 33 kabahayan ang nasira mula sa Ilocos, Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region.

 

 

Ganito ang itsura sa ngayon ng mga apektadong populasyon kung titilad-tilarin:

 

patay (2 kumpirmado, 1 for validation)

sugatan (3 kumpirmado, 1 for validation)

apektadong tao (71,468)

lumikas sa loob ng evacuation centers (3,700)

lumikas na wala sa evacuation centers (630)

 

 

Nakapagbigay naman na ng P6.32 milyong halaga ng tulong sa ngayon para sa mga pamilyang naapektuhan sa Regions 1, 2, 5 at Cordillera.

 

 

Kasama na sa mga naipamahagi ang family kits, hygiene kits, family food packs, atbp.

 

 

“As of August 25, more than P4.4 million worth of food and non-food items were already sent [by the Department of Social Welfare and Development] to affected localities, with the bulk of assistance worth P3.1 million delivered in Region II,” wika ng DSWD sa isang pahayag nitong Huwebes.

 

 

“The rest were provided in Regions I, III, CALABARZON, and the Cordillera Administrative Region (CAR).” (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, magpapaabot ng tulong sa mga manggagawang tinamaan ng EL Niño

    Makatatanggap ng financial assistance mula sa gobyerno ang mga manggagawa sa agrikultura at iba pang sektor na labis na naapektuhan ang kanilang pananim at iba pang ‘sources of income’ ng El Niño phenomenon. Bahagi ito ng nagpapatuloy na aid program ng pamahalaan sa gitna ng nagpapatuloy na tag-tuyot. “Sa susunod na araw ay magpapaabot tayo […]

  • SLP-PH tankers, kargado ng 61 medalya

    Humakot  ang Swimming League Philippines-Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang 16 na ginto para makopo ang ikatlong puwesto sa overall medal standings sa Asian Open Schools Invitational Aquatics Championships kamakailan sa Bangkok, Thailand.   Pinangunahan ng 5-anyos at tinaguriang bagong ‘swimming wonder’ ng bansa na si Pia Severina Magat ang ratsada ng 32-man […]

  • P6-B halaga ng ibat-ibang uri ng droga winasak ng PDEA

    AABOT sa halahang P6,245,761,574 ng ibat-ibang urI ng droga ang winasak kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang intergraded waste management facility sa Trece Martires Cavite kahapon. Sa impormasyon na ibinigay ni PDEA PIO chief Dir. Derrick Arnold Carreon ito ay utos ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na ang mula naman mismo […]