• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Food imports, target na subsidiya para pagaanin ang inflation sa Pinas

SINABI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang food importation para dagdagan ang suplay at  targeted subsidies  sa mga  “most vulnerable sectors” ay makapagpapagaan sa mataas na  global inflation na lumigwak na sa Pilipinas.

 

 

“We have a comprehensive set of interventions to effectively balance the need to sustain growth momentum while containing inflationary pressures and their cascading effects on the economy,” ayon Kay Finance Secretary Benjamin Diokno sa idinaos na puling ng  G20 finance ministers at central bank governors.

 

 

Bagama’t hindi kasali ang Pilipinas sa G20 grouping ng world’s economic giants, inimbitahan naman si Diokno bilang bisita ng  Indonesia, host country ng  meeting ngayong taon.

 

 

“To  keep food prices accessible,  the government wanted to increase agricultural output while sustaining importation of certain commodities like corn, pork, and rice, at lower tariffs under ex-president Rodrigo Duterte’s Executive Order (EO) No. 171 effective until this year’s end,” ayon kay Diokno.

 

 

“Also, “targeted subsidies have been allocated to cushion the impact of rising fuel prices on the public transport sector,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Para sa taong kasalukuyan, ang nakalipas na administrasyon ay naglaan ng  P47.5 bilyong piso bilang financial aid sa mga labis na tinawagan ng sumirit na presyo ng langis, P41.4 bilyong piso sa unconditional cash transfers sa mga pinakamahihirap ng populasyon, P5 bilyong piso  fuel subsidies para sa mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUVs) at P1.1 bilyong piso sa  fuel discounts sa mga magsasaka at mangingisda.

 

 

“To date, the Department of Budget and Management (DBM) has already released P16.7 billion of these subsidies, funded by windfall from the incremental import duties and taxes being collected from costly fuel. But with the economy expected to fully recover by the middle of this year, these subsidies would no longer be given next year,” ang pahayag ni Diokno. (Daris Jose)

Other News
  • Caloocan-Manila connector, bukas na sa motorista, toll libre pa

    BINUKASAN na nitong Miyerkules ng hatnggabi ang 5-ki­lometrong NLEX connector na magdudugtong sa Caloocan at Maynila.     Wala pang sisingiling toll ang NLEX sa mga motorista para maranasan muna ng mga motorista ang kaginhawaan sa paggamit nito.     Magugunitang una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layon nitong gawing 5 minuto […]

  • Higit 25K households tanggal na sa 4Ps

    UMABOT na sa 25,904 household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tanggal na sa programa nang makitang kaya na nilang makapamuhay ng maayos para sa pamilya.     Ayon sa DSWD, ang nasabing bilang ay base na rin sa datos nitong first quarter ng taong kasalukuyan. […]

  • Tambalang Isko Moreno-Willie Ong naghain ng 2022 candidacy sa Comelec

    Pormal nang nag-file ng kanilang certificates of candidacy (COC) si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at running mate na si Dr. Willie Ong para sa pambansang halalang sa Mayo 2022.     Lunes nang ihain nina Domagoso at Ong ang kanilang COC sa pagkapangulo at pagkabise presidente sa ikaapat na araw ng filing ng […]