• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng bagong job opportunities abroad para sa mga Filipino -Department of Migrant Workers

MAITUTURING na maganda ang naging Bunga ng mga naging byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa.

 

 

Isa na rito ang mabuksan ang  maraming job opportunities sa abroad para sa mga Filipino.

 

 

Sa press briefing, tinuran ni DMW secretary Susan Ople na isa na rito ang nabuksang pangangailangan ng Singapore ng maraming Pinoy health workers at isinasapinal na lamang aniya ang implementasyon ng protocol ukol dito.

 

 

Maliban dito  ay nagbukas din ng oportunidad para sa mga gustong magtrabahong Pinoy sa Saudi Arabia na ayon kay Ople ay nangangailangan naman ng anim na libong mga Filipino workers.

 

 

Magugunitang nagkasuap sina Pangulong Marcos at Saudi  Crown Prince Muhammad bin Nayef sa Bangkok, Thailand ng dumalo ang dalawa sa Asia-Pacific Economic Cooperation -Economic Leaders’ Meeting.

 

 

Sinabi pa ni Ople na may inisyal na  pakikipag-usap na sila sa Portugal na nangangailangan din ng trabahador at kaugnay nitoy sinabi ni Ople na tutulak sila sa nasabing bansa sa 1st quarter ng taong ito.

 

 

Winika pa ni Ople na lalagda din sa pagtungo ni Pangulong Marcos sa Japan ang pamahalaang Pilipinas para sa panibagong bilateral labor agreement.

 

 

Samantala, tinuran ng DMW na ang demand ng iba’t ibang mga bansa para makuha ang serbisyo ng mga Pinoy workers ay bunga na rin ng magandang reputasyon ng mga ito bilang mga mahuhusay at masisipag na manggagawa. (Daris Jose)

Other News
  • Dumating na ang hinihintay na ‘perfect time’: YNNA, engaged na rin sa non-showbiz boyfriend na si BULLY

    ENGAGED na rin si Ynna Asistio sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Bully Carbonell.     Sa kanyang Instagram, pinost ni Ynna ang photo nila ni Bully at suot na niya ang kanyang engagement ring.     “Ilang taon ako [nagbenta] ng engagement ring and wedding ring. Lagi ko tinatanong sa sarili ko, ‘kailan kaya […]

  • Pananakot sa mga ospital, itinanggi ng DOH

    Pinabulaanan ng Department of Health (DOH) na kanilang tinatakot ang mga pribadong ospital na ayaw magdagdag ng kapasidad sa gitna nang pagtaas ng bilang ng may COVID-19.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, walang nagaganap na pananakot sa kanilang panig bagaman at nasa batas ang pagtataas ng kapasidad kung may pangangailangan.     Sabi pa […]

  • Ipinaglalaban pero nauwi rin sa hiwalayan: KYLIE, nasasaktan ‘pag napag-uusapan ang dalawang anak nila ni ALJUR

    KASWAL lamang magkuwento si Kapuso Action star Ruru Madrid tungkol sa relasyon nila ng girlfriend na si Bianca Umali.      Limang taon na rin sila as boyfriend and girlfriend kaya marami na rin silang pinagdaanan at nalampasan sa kanilang relasyon.     Ayon kay Ruru, noong nagsisimula pa lamang sila ni Bianca, may pagka-introvert […]