• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng bagong job opportunities abroad para sa mga Filipino -Department of Migrant Workers

MAITUTURING na maganda ang naging Bunga ng mga naging byahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa.

 

 

Isa na rito ang mabuksan ang  maraming job opportunities sa abroad para sa mga Filipino.

 

 

Sa press briefing, tinuran ni DMW secretary Susan Ople na isa na rito ang nabuksang pangangailangan ng Singapore ng maraming Pinoy health workers at isinasapinal na lamang aniya ang implementasyon ng protocol ukol dito.

 

 

Maliban dito  ay nagbukas din ng oportunidad para sa mga gustong magtrabahong Pinoy sa Saudi Arabia na ayon kay Ople ay nangangailangan naman ng anim na libong mga Filipino workers.

 

 

Magugunitang nagkasuap sina Pangulong Marcos at Saudi  Crown Prince Muhammad bin Nayef sa Bangkok, Thailand ng dumalo ang dalawa sa Asia-Pacific Economic Cooperation -Economic Leaders’ Meeting.

 

 

Sinabi pa ni Ople na may inisyal na  pakikipag-usap na sila sa Portugal na nangangailangan din ng trabahador at kaugnay nitoy sinabi ni Ople na tutulak sila sa nasabing bansa sa 1st quarter ng taong ito.

 

 

Winika pa ni Ople na lalagda din sa pagtungo ni Pangulong Marcos sa Japan ang pamahalaang Pilipinas para sa panibagong bilateral labor agreement.

 

 

Samantala, tinuran ng DMW na ang demand ng iba’t ibang mga bansa para makuha ang serbisyo ng mga Pinoy workers ay bunga na rin ng magandang reputasyon ng mga ito bilang mga mahuhusay at masisipag na manggagawa. (Daris Jose)

Other News
  • Ibinuko ni Sylvia na nakahanap sila ng katapat… MAINE, tuwang-tuwa na nakikipag-asaran sa Daddy ART ni ARJO

    SA Instagram post ni Sylvia Sanchez noong Huwebes, August 11, 2022, ibinahagi niya ang series of photos ng asawang si Art Atayde at Maine Mendoza na tuwang-tuwa na nag-aasaran sa isa’t-isa.   “Sila po ang laging nagbubullyhan pagnagkikita kita. Nakahanap sila ng katapat sa isa’t isa hahaha.   “Ang saya saya sa tuwing nagbubullyhan sila. […]

  • Fully vaccinated healthcare medical workers, puwede ng mag-avail ng booster shots- Nograles

    SIMULA bukas, Nobyembre 17 ay maaari nang mag-avail ng booster shots ang lahat ng fully vaccinated healthcare medical workers.   Pinagtibay ni Acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles ang public advisory na ipinalabas ng Department of Health (DOH) ukol sa bagay na ito.   “Uulitin ko po, para po muna ito sa A1 healthcare […]

  • Ads September 21, 2020