• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘FPJ’s Ang Probinsyano’, isa pa rin sa most-watched programs ng ABS-CBN

ISA pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa most-watched programs ng ABS-CBN.

 

 

Sa survey ng AGB-NIELSEN na ginawa mula April 26 to may 4, nasa number 11 ang programang pinagbibidahan ni Coco Martin.

 

 

Karamihan sa mga programa na pasok sa Top 20 shows ay programa ng GMA 7 dahil sila ang subscriber sa AGB-NIELSEN.

 

 

The other ABS-CBN show na pumasok sa Top 20 ay ang inspiring drama na Huwag Kang Mangamba na nasa 15th spot.

 

 

Patunay lang ito na matindi pa rin ang following ng serye ni Coco. Kahit na five years na on the air ang FPJAP ay malakas ang viewership nito. Patunay lamang na solid ang fan base ng programa at hindi ito iniiwan.

 

 

May tinanong kami kung totoong hanggang July na lang ang FPJAP pero ayon sa aming nakausap wala naman daw advice.

 

 

Lagi naman naibabalita sa meda na matatapos na ang action-series ni Coco pero patuloy pa rin itong tinatangkilik ng masang Pilipino.

 

 

Marami nga raw ang nakukuryente sa balita na magtatapos na ang FPJAP pero mas lalo pa itong tumatagal.

 

 

Gustung-gusto ng mga fans pag maaksyon ang mga eksena sa show. Dito raw mas lumalakas ang viewership ng programa.

 

 

Ibig sabihin gusto ng mga fans kapag napapalaban si Coco at ang Task Force Agila.

 

 

Kaya most likely ay magtatagal pa rin sa ere ang FPJAP dahil patuloy na mataas ang viewership nito.

 

 

***

 

 

KAILAN kaya ang playdate ng Kontrabida which stars Nora Aunor sa title role under Godfather Productions?

 

 

Curious kaming mapanood ang movie na dinirek ni Adolf Alix, Jr. ito kasi ang unang movie na gaganap na kontrabida si Ate Guy.

 

 

First time for Ate Guy to play a villan’s role kaya excited na kaming mapanood ito.

 

 

Tiyak na muling pag-uusaoan ang uri ng acting ni Ate Guy.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • NTC sa publiko: Huwag i-click ang links, magbigay ng personal data sa mga natatanggap na spam messages

    Pinag-iingat ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko sa mga natatanggap na spam messages.     Ayon kay NTC Deputy Commissioner Edgar Cabarrios, huwag na dapat buksan pa ang link na nakapaloob sa spam messages na ito.     Bukod dito, hindi rin dapat magbigay ng personal data ang sinuman sa mga links na kanilang […]

  • BARMM, “greatest legacy” ni Pangulong Duterte sa mga Muslim- regional executive

    ANG Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang itinuturing na “greatest legacy” ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Filipino- Muslims.     Kaya nga, hinikayat ni BARMM Chief Minister Ahod “Murad” Ebrahim ang kanyang mga nasasakupan na huwag kalimutan kung ano ang mga nagawa ni Pangulong Duterte para sa kanila pagdating sa pagkakaroon ng […]

  • PBBM, bumuo ng inter-agency body para sa inflation, market outlook

    NAGPALABAS si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ng  executive order (EO) para direktang tugunan ang  inflation at palakasin ang inisyatiba para mapabuti ang ekonomiya at kalidad ng buhay ng mga Filipino.     Ang EO No. 28, tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nito lamang Mayo 26, ay nag-aatas na lumikha ng  Inter-Agency Committee on Inflation […]