Frankie, nag-apologize matapos batikusin ni Markki
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-APOLOGIZE si Frankie Pangilinan matapos na batikusin ng actor-singer na si Markki Stroem ang kanyang shared post na naglalaman ng pangalan ng mga suspects sa kontrobersyal na kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Dahil sa nai-tweet ni Frankie kaya hindi napigilang mag-react si Markki na kung saan kasama sa listahan ang mga kaibigan niya.
Reply niya kay Kakie, “I have friends on this list who did not deserve this public shaming. I rarely tweet. Take this down and apologize.”
Kaya naman agad na nag-apologize ang daughter nina Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan sa nai-share na listahan at sinigurong na-delete na.
Post ni Frankie, “Really sorry, I was under the impression I’d taken down my quote tweet already. deleted now for sure. it wasn’t my post to begin with and I just spread what I thought to be verified information since the conversation was being amplified repeatedly on my timeline.”
Naiintindihan naman ni Markki ang ipinaglalaban ni Frankie lalo na sa usaping ‘rape’ na kung saan patuloy siyang nabibiktima ng ‘rape joke’.
“Tbh, thats all that was needed, removing the list from your platform of influence. I appreciate your valiant flight against rape culture, yet there is another war that is far from over. Homophobia. A boy had to come out on national TV before he was ready,” pahayag pa ng actor-singer.
Inulan naman ng pamba-bash ng netizens si Frankie at sinasabing mali talaga ang ginawa niya at si Markki lang daw pala ang kanyang katapat.
May mga nagtanggol din kay Kakie dahil mas malaki ang kasalanan ng PNP sa pagpapakalat ng maling impormasyon, na dapat ding mag-apologize.
Narito ang ilang comment ng netizens:
“Nakahanap kayo ng ibabash sa kanya eh sa PNP mismo nanggaling. So wag na lang tayo maniwala sa kahit na anong crime kahit “at-large” ang suspects at kailangan mahanap dahil baka mali? Dapat ang wrath niyo sa PNP. Frankie used her influence to find the suspected rapists/murderers as per PNP. Pero dahil incompetent ang PNP, ganito ang resulta. Ang importante nag apologize.”
“Lesson learned Kakie. Ang angas ng tweet mo pero mali naman. You take responsibilty for your tweet. Kahit retweet lang yan.”
“Lahat na lang kasi may masasabi. Ginawa ng diary ang twitter. Try mo rin minsan Kakie to choose your battle, di yung lahat na lang may say ka.”
“Hindi lang siya. Actually marami silang influencers na nagpakalat ng photos nung mga accused without any details aside from speculations and accusations. Sila pa naman yung akala ng marami na responsible because they are against EJK, police brutality, rape culture, victim blaming, etc. May this serve as a lesson to these people. And let’s continue fighting the real enemy.”
“Mas malaki kasalanan ng PNP dito. Yung mga nag post ng suspects kasi sabi nga “at large” that means may urgency na dapat mahanap. Idk bakit sobrang bash mga tao dito kay Frankie. It’s the PNP’s fault. Ang importante nag clear up tong mga influencers. I hope ganyan rin kayo kagalit sa PNP na hanggang ngayon walang apology.”
“Di ba abogado ang tatay nya? How come di sya napapangaralan pagdating sa pagkakalat ng maselang impormasyon? Pero kahit ordinaryong tao na logical mag-isip, alam na hindi dapat kinakaladkad ang mga pangalan ng mga taong di pa naman napapatunayan na may sala nga.”
“ARE YOU GUYS SERIOUS??? Si Kakie pa talaga ang mali? Ang PNP, ako masasabi nyo sa kanila? Di ba sila ang nagpakalat nyan? Dapat nga sila ang inaatake kasi sila dapat ang mapagkakatiwalaan. Ang news source nyo ba artista? Basta galit kayo sa tao, sige lang. Pero sa gobyerno and pulis na Super palpak, walang pakialam? Ewan ko sa inyo.” (ROHN ROMULO)
-
Jaylen Brown, Boston pinahiya Brooklyn sa sariling teritoryo
NAGSUMITE ng double-double sina Jaylen Brown at Jayson Tatum at pinutulan ng Boston ng four-game win streak si Kevin Durant at Brooklyn via 103-92 win nitong Linggo sa Barclays Center. Pero hindi raw ang 34 points, 10 rebounds ni Brown at 29-11 ni Tatum ang susi sa panalo. “Our defense definitely […]
-
Kai Sotto sumama na sa ensayo ng Gilas Pilipinas
Sumama na si Kai Sotto sa training bubble ng Gilas Pilipinas para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark. Nagtapos na kasi ang quarantine period ng 7 foot 4 para makasama sa training ng Gilas kung saan magiging host ang Pilipinas. Umaasa naman si Samahang Basketball ng […]
-
PBBM, winelcome ang 2 bagong ATAK helicopters; nangako na mabilis na iaarangkada ang PAF modernization
SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Air Force (PAF) sa hangarin nitong matupad ang vision nito na maging world-class. Pinangunahan ng Chief Executive ang ceremonial blessing ng dalawang bagong T129 ATAK helicopters sa Malakanyang. Umaasa naman ang Pangulo na ang modernization goal ay magiging daan para mapalakas ang […]