• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Free 1-day unlimited pass, kaloob ng LRTA sa commuters na nagpabakuna sa LRT-2 stations

BINIGYAN ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ng libreng one-day unlimited pass ang mga train commuters na nagpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa vaccination sites na inilagay sa kanilang mga istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) kahapon sa unang araw nang pag-iral ng Alert Level 1 sa National Capital Region (NCR) at ilan pang lungsod at lalawigan sa bansa.

 

 

Ayon sa LRTA, ang naturang free rides ay bilang bahagi nang pagsusumikap ng Department of Transportation (DOTR) na isulong ang pagkakaroon ng libreng public transport system sa bansa at bilang suporta sa COVID-19 vaccination drive ng pamahalaan.

 

 

“This free ride program aims to encourage more commuters to get vaccinated and boosted. We need to step up our vaccination efforts in order to ensure the safety and protection of our commuting public,” anang LRTA.

 

 

Nabatid na ang naturang pass ay balido sa one-day unlimited use at kaagad na ipagkakaloob sa mga pasahero matapos silang maturukan ng bakuna.

 

 

Ang naturang pass ay dapat na ipakita ng pasahero, kasama ang kanyang valid ID, sa security o station personnel sa pagpasok niya sa AFCS gates, upang mai-avail ang libreng sakay.

 

 

Matatandaang una nang naglagay ng mga vaccination sites ang LRTA sa Claro M. Recto at Antipolo stations ng LRT-2.

Other News
  • Price Act, dapat nang amyendahan

    NAIS  ng isang mambabatas na amyendahan ang 31-taon ng batas na Price Act upang maitaas ang parusa at multa laban sa mga hoarders at mapagsamantalang mangangalakal ng bigas at mais.     Sa House bill 7970, nais ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan na maitaas sa 40 taong pagkabilanggo ang parusa sa naturang […]

  • P65-M nabawi mula sa mga eskuwelahan na nasa voucher program anomaly

    NABAWI ng Department of Education (DepEd) ang P65 milyon mula sa 54 pribadong eskuwelahan na nasa Senior High School voucher program Ito’y habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing anomalya. Sinabi ng DepEd na ang 54 private schools na may tanda ng iregularidad, 38 ang “fully refunded the government,” habang dalawa naman ang nagsagawa ng partial […]

  • 2 tulak laglag sa P240K shabu at damo sa Malabon drug bust

    MAHIGIT P.2 milyong halaga ng illegal na droga ang nasamsam sa dalawang bagong identified drug pushers matapos madakip sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Miyerkules ng hapon.     Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas Okeng, 31, at alyas Anjoe, 24, E-trike […]