• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Free trade deal, ‘win-win strategy’ para sa Pinas at EU-PBBM

HUMINGI ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa European Union-ASEAN Business Council (EU-ABC) at  European Economic Community (EEC) para sa pagpapatuloy ng negosasyon para sa free trade agreement (FTA) sa pagitan ng Pilipinas at  EU. 

 

 

Ani Pangulong Marcos, ang pagtatatag ng isang  bilateral FTA ay   “win-win strategy” para sa dalawang partido, sabay sabing  “promises to achieve mutually beneficial economic goals while maintaining consistency with the EU’s core ideals of sustainable development and environment protection as well as with the EU’s Indo-Pacific Strategy”.

 

 

“Hence, I take this opportunity to call upon our friends from the EU ABC and the ECCP to actively advocate for the resumption of negotiations for this purpose as well as to strive for fair treatment and more beneficial reciprocity,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa isinagawang Joint EU-ASEAN Business Council and European Chamber of Commerce of the Philippines gala dinner sa Makati.

 

 

“As credible voices of the European business community in the Philippines and the region, the EU ABC and ECCP can help move this thing forward all the way to a favorable conclusion. And if and when that happens, it could very well be the capstone of all efforts to strengthen PH-EU relations over the course of the next decades,” ang wilka nito.

 

 

Matatandaang, sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na tinitingnan ng Pilipinas na bumalik sa  negotiating table para sa posibleng FTA kasama ang regional bloc.

 

 

Ang exploratory FTA talks sa pagitan ng mga partido ay nagsimula noong 2013, habang ang paglulunsad naman ng negosasyon ay inanunsyo noong Disyembre 2015.

 

 

Ang unang negosasyon ng FTA ay isinagawa sa  Brussels, Belgium noong 2016, sinundan ng second-round negotiations sa Cebu, sa Pilipinas noong  2017.

 

 

Samantala, sinabi naman ng Chief Executive na ang Philippine Development Plan (PDP) 2023 to 2028 ay naka-angkla sa  “creation of an enabling environment that shall facilitate the attainment of tangible socio-economic goals for our people”.

 

 

Tinuran nito na nagpatupad na ang administrasyon ng mga estratehiya na nakahanay  dito kabilang na ang adjustments sa sistema ng corporate taxation, at implementasyon ng green lanes.

 

 

“This solid enabling environment will pave the way for our compliance with vital international obligations as determined by the EU. This condition of compliance will in turn guarantee our continued participation in the generalized system of preferences plus (GSP+) scheme,”  aniya pa rin.

 

 

Nakatakda namang mapaso’ ngayong taon ang partisipasyon ng Pilipinas sa GSP+  subalit kumpiyansang sinabi ni Pascual na magdedesisyon pa rin ang  European Parliament pabor sa pagre-renew ng status ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM ADMIN NAGLAAN NG P2.39 BILYON PARA PONDOHAN ANG MALAWAKANG FOREST REHABILITATION PROGRAM

    Para makamit ang sustainable, green, at climate-resilient economy, naglaan ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P2.39 bilyon para sa National Greening Program sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA). “Bilang mandato po ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., mananatili kaming nakatuon sa pagkamit ng inclusive at sustainable transformation patungo sa tinatawag […]

  • House leaders, governors suportado si Robredo

    DALAWANG lider sa Kongreso at limang gobernador ang kamakailan ay naghayag ng kanilang suporta para sa kandidatura pagka-Pangulo ni Vice President Leni Robredo.     Ang mga kaalyado na ni Robredo at nangakong ikakampanya siya ay sina House Deputy Speakers Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro 2nd District congressman) at Mujiv Hataman (Basilan congressman) at mga […]

  • DTI humihirit ng P300-M para sa ‘strike force’ program nila

    IPINALIWANAG ni Department of Trade and Industry (DTI) ang kalahagahan ng P300-milyon na program nila.     Sinabi ni DTI Secretary Alfredo Pascual na ang nasabing programa ay magtataguyod sila ng “strike Force” na siyang lalaban sa mga hoarders, scammers at mga mapagsamantalang negosyante.     Paglilinaw pa ng kalihim na ang nasabing pondo ay […]