Fuel subsidy program handang ipagpatuloy ng pamahalaan sakaling manatiling mataas ang presyo ng langis sa PH
- Published on July 15, 2022
- by @peoplesbalita
MAGPAPATULOY ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng pamahalaan para sa mga sektor ng transportasyon at agrikultura ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.
Ipinahayag ito ni Diokno matapos ang isinagawang kauna-unahang pagpupulong ng economic team ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Aniya, handa ang gobyerno na ipagpatuloy ang pamamahagi ng nasabing ayuda para sa mga kababayan nating lubhang apektado ng sunud-sunod na mataas na singil sa produktong petrolyo bansa.
Ngunit sinabi niya na sa mga susunod na taon ay inaasahan nang magiging stable ang presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado matapos na ibalita ni Department of Budhet and Management Secretary Amenah Pangandaman na posibleng pumalo na lamang sa USD70 hanggang USD90 ang kada bariles ng Dubai crude oil pagsapit ng taong 2024-2028 dahil inaasahan aniyang magiging stable na ang supply nito sa mga panahon na iyon.
Samantala, sa kabilang banda naman ay sinabi rin ni Pangandaman na bagama’t sinabi ng pamahalaan na handa itong ipagpatuloy ang fuel subsidy program ay wala pa aniya silang natatanggap na kahilingan mula sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy ang pagpopondo para dito.
-
Marian, takot pa ring lumabas ng bahay dahil sa mga anak
INAMIN ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa interview sa kanya ng 24 Oras, na takot pa rin siyang lumabas ng bahay dahil sa pandemya, kaya work from home na lamang muna siya. Kaya thankful si Marian sa GMA Network na pinayagan siyang sa bahay lamang nila siya mag-shoot ng mga spiels niya para […]
-
Mag-lola todas sa sunog sa Caloocan, 9 pa sugatan
NASAWI ang mag-lola habang siyam pa ang sugatan, kabilang ang apat na kaanak ng mga nasawi at limang bumbero, sa naganap na sunog sa Caloocan City, Lunes ng tanghali. Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center ang 21-anyos na estudyanteng si Layla habang wala na ring buhay ang kanyang 84-anyos na lolang si Aling […]
-
Para paghusayin ang industriya ng pag-aasin, plano ng administrasyong Marcos, inilantad
TUTULONG ang administrasyong Marcos para sa modernisasyon ng industriya ng pag-aasin. Sa katunayan, isiniwalat ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang plano ng administrasyon para paghusayin ang salt production sa bansa. Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na ang Department of Agriculture, na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand […]