• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fuel tax, suspendihin

Muling umapela si dating Speaker Alan Peter Cayetano na suspindihin muna ang ipinapataw na excise tax sa mga produktong petrolyo para matugunan ang mataas ma inflation rate sa bansa.

 

 

Isa pang suhestiyon ng mambaatas na magpatupad ng 5% savings rate sa lahat ng government agencies upang masolusyunan naman ang revenue shortfall.

 

 

“Number one talaga diyan is that we have to suspend yung excise tax on fuel. Di ba kaya ayaw natin tanggalin ang excise tax, kasi kailangan natin ang pondo. But if you have five-percent savings, then the government will spend five percent less anyway,” ani Cayetano.

 

 

Dapat aniyang pagtuunan ng pansin ngayon ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo upang maagapan ang pagtaas pa ng inflation sa bansa na umabot na sa 4% nitong Marso.

 

 

Idinagdag nito na malaki rin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa iba pang bilihin.

 

 

“Yung isang domino kapag bumagsak, sunud-sunod na. So hindi pwedeng sa gitna mo ihihinto kasi marami nang tumumba. Yung unang domino talaga e ang presyo ng gasolina. So we have to, for me, i-arrest mo muna ‘yan para hindi tumaas lahat,” pahayag nito.

 

 

Bilang sagot naman sa posibleng pagkawala ng kita o revenue ng gobyerno sa suspension ng fuel excise taxes, ay dapat magpatupad ng mandatory savings rate na 5% across all state agencies – na makakapagtipad sa pamahalaan ng P250 billion mula sa P5.04-trillion national budget para ngayong 2022. (ARA ROMERO)

Other News
  • LIZA DIÑO, first Filipina na pinarangalan ng ‘French Knight in the Field of Cinema

    PINARANGALAN ang award-winning actress na si Ms. Liza Diño at dating Chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng isa sa pinakakilalang titulo ng Pransya, ang Chevalier in the French Order of Arts and Letters (“Chevalier dans l’Ordre des Arts et des Lettres”).     Ang iginagalang na parangal na ito […]

  • LeBron James at tennis star Osaka naglunsad ng sariling media company

    NAGSAMA si Japanese tennis player Naomi Osaka at NBA star LeBron James para ilunsad ang bagong media company.     Tinawag nila itong “Huma Kuma” o ibig sabihin ay “Flower Bear” na gagawa ng mga kuwento tungkol sa kultura pero mayroong malaking epekto sa lahat.     Ayon kay four-times Grand Slam champion na si […]

  • Dapat talagang ipagmalaki ayon kay Sen. Revilla: Pinoy Pride na si SOFIA FRANK, nakasungkit ng ginto sa 2022 Asian Open Figure Skating

    NAGBIGAY ng karangalan sa bansa ang Pinay figure skater na si Sofia Lexi Jacqueline Frank na kung saan nasungkit ang inaasam-asam na gintong medalya sa katatapos na 2022 Asian Open Figure Skating competition na ginanap sa Jakarta, Indonesia. Ito ang pinakabagong tagumpay ng magandang atletang Pilipina.  Si Frank ay kasalukuyang may pinakamataas na markang ISU […]