‘Full vaccination’ ng COVID-19, kasama na 1st booster shot
- Published on June 8, 2022
- by @peoplesbalita
SANG-AYON si Health Secretary Francisco Duque III sa panawagan ng health experts na i-redefine ang “full vaccination” sa pamamagitan ng pagsama ng first booster shot.
Sa kasalukuyan, ang naturukan na ng 2 vaccination shots ay itinuturing na “full vaccination” sa bansa, samantalang ang ibang bansa ay redefined na ang kanilang “full vaccination” status sa pamamagitan ng pagsali sa third vaccine jab o first booster shot.
“Yes, I agree with that, but the IATF (Inter Agency Task Force) alam mo naman (as you know), is not just made up of the DOH (Department of Health) , but there are also others—the economic team that frowns upon, does not agree at this,” aniya nang kapanayamin ng ANC sa redefinition kung aangat ang vaccination rate.
Sinabi niya na gusto ng economic team ng gobyerno na pataasin ang mga boosters, ngunit hindi bilang “mandatory.”
Binanggit ni Duque na sa ngayon ay anim na bansa na ang muling tinukoy ang kanilang kahulugan ng “full vaccination” sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ikatlong shot.
“But hopefully we are getting more and more evidence in other countries,” aniya.
Hihingiin din niya rito ang consensus sa IATF. (Daris Jose)
-
Inaming ni-reject ang marriage proposal noon ng ex-boyfriend: RABIYA, after two years ay ready nang magpakasal kay JERIC
NA-MISS na pala ni Sanya Lopez ang paggawa ng action projects. Matatandaan na matagal ding napanood si Sanya sa epic serye na “Encantadia” na talagang todo-action siya roon, pero pagkatapos ay mga drama series naman ang mga ginawa at nasundann ito ng dalawang seasons ng romantic-comedy series na “First Yaya” at “First Lady” […]
-
Bago manalo ng Best Actor sa 94th Academy Awards… WILL SMITH, sinapak si CHRIS ROCK dahil kay JADA at nag-apologize din sa acceptance speech
HISTORY making night na sinamahan ng kontrobersya ang naganap na 94th Academy Awards or the Oscars sa Dolby Theater in Hollywood. Sa unang pagkakataon ay tatlong babae ang naging hosts ng Oscars na sina Wanda Sykes, Regina Hall at Amy Schumer. “This year the Academy hired three women to host – because […]
-
PBBM, ipinag-utos sa PNP na paghusayin ang kakayahan sa komunikasyon, interoperability sa panahon ng operasyon
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na mas maging madiskarte sa pagkuha ng communications equipment para mas mapahusay pa ang interoperability nito lalo na sa panahon ng emergency at crisis situations. Sa isinagawang unang PNP Command Conference na idinaos sa Quezon City, binigyang diin ni Pangulong Marcos […]