‘Fully-vaccinated’ na seniors, bawal pa ring lumabas
- Published on May 28, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi pa rin dapat payagan na lumabas ng bahay ang mga senior citizen kahit na ‘fully-vaccinated’ na sila dahil sa may banta pa rin na mahahawa sila ng COVID-19 bunsod ng mababa pang bilang ng nababakunahan.
“Unang-una, ang baba pa ng vaccination rate natin… Therefore, in this point in time, kahit na sino pa ‘yan, mapa-senior citizen man ‘yan o ‘yong mga nasa 40s, mga nasa productive age group natin, I think hindi pa rin tayo dapat basta-basta magluwag doon sa mga restrictions natin,” ayon kay Dr. Maricar Limpin, vice-president ng Philippine College of Physicians.
Sinabi niya na dapat hintayin muna na mabakunahan ang 70 por-syento ng populasyon ng bansa bago pag-usapan ang mga pagluluwag sa restriksyon.
Bukod sa maaaring mahawa kahit bakunado na, puwede rin na sila ang makahawa ng iba na hindi pa nababakunahan.
Kasunod ito ng pa-nawagan ng National Commission of Senior Citizens na magtalaga ng eksklusibong oras ang mga supermarkets at botika para sa mga senior citizen.
Ayon kay Atty. Franklin Quijano, chairperson ng NCSC, maaari umano na ibigay sa kanila ang oras na mula 8-10 ng umaga dahil maaagang nagigising ang mga senior citizen at hindi makakahalubilo ang ibang age-group.
Sa pamamagitan nito, mapapataas ng mga senior citizen hindi lang ang kanilang kalusugang pisikal kundi pati kalusugang mental. (Gene Adsuara)
-
Mga atleta sasailalim sa 2 drug test bawat taon
PAPASADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang magpapalakas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) para masugpo ang bawal na gamot sa paggamit. Kumikom ng boto ang House Bill 7814 ng 188 ang pabor, 11 ang mga tumutol at 11 naman ang abstention sa […]
-
Trudeau, inimbitahan si PBBM na bumisita sa Canada sa 2024
INIMBITAHAN ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumisita sa Japan sa susunod taon para sa pagdiriwang ng 75th diplomatic relations sa pagitan ng dalawang estado. Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ipinaabot ang imbitasyon sa Pangulo sa isinagawang bilateral meeting kasama si Trudeau sa sidelines ng […]
-
Bulacan airport civil works 42% ng kumpleto
NAGKAROON ng site inspection ang Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni Secretary Jaime Bautista sa tinatayong New Manila International Airport (NMIA) sa Bulacan, Bulacan na nagkakahalaga ng P735 billion. Ang NMIA ay gaining headway sa kanyang civil works at land development na tinatayang 42 porsiento sa latest datos ng DOTr. Ayon saDOTr, […]