Fury napanatili ang WBC world heavyweight belt matapos talunin si Chisora
- Published on December 6, 2022
- by @peoplesbalita
Napanatili ni Tyson Fury ang kaniyang WBC world heavyweight title matapos talunin si Derek Chisora.
Hindi hinayaan ng 34-anyos na si Fury na madungisan ang kaniyang unbeaten record sa halos 60,000 katao na nanood sa Tottenham Hotspur Stadium sa London.
Inihinto na ng referee ang laban matapos makita ang 38-anyos na kapwa British boxer na labis na ito ng nabugbog sa loob ng ika-10 rounds.
Dominado ni Fury ang laban kung saan desididong makaharap si Oleksandr Usyk.
Matapos ang laban ay inamin ni Fury na sumakit ang kaniyang kamay at kailangan din na sumailalim sa operasyon ang kaniyang kanang siko na aabot ng hanggang walong linggo bago gumaling. (CARD)
-
PSC chair Noli Eala inilatag ang mga pagbabagong gagawin sa ahensiya
IBINAHAGI ng bagong talagang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) Noli Eala ang mga programa niya para sa nasabing ahensiya. Matapos ang pagtalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay tiniyak nito na magkakaroon ang PSC ng pangmatagalang programa na ikakatagumpay ng mga atleta. Palalakasin din ito ang inisyatibo sa […]
-
Ads March 28, 2023
-
NDRRMC, iniimbestigahan ang di umano’y hacking ng official Facebook page nito
NAGSASAGAWA na ng masusing imbestigasyon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay sa pinaghihinalaang security breach hinggil sa kanilang official Facebook page. Sa isang kalatas, sinabi ng NDRMMC na ang kanilang Facebook page ay na-hacked ng alas-3 ng hapon, araw ng Martes. Ayon pa sa NDRMMC, nasa proseso na […]