• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gadgets na inisyu sa mga guro, ‘di binabawi ng DepEd

PINABULAANAN  ng Department of Education (DepEd) sa National Capital Region (NCR) na inutusan nila ang mga guro na ibalik ang mga ibinigay nilang gadgets para sa distance learning.

 

 

Ito ang inihayag ni DepEd Spokesman Michael Poa bilang reaksyon sa pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na nagsabing  ipinababalik nila (DepEd) ang mga inisyung laptops, desktops, tablets at smart phones sa mga guro nang ipatupad ang distance learning.

 

 

Sa statement na inilabas ng ACT, nakatanggap umano sila ng ulat sa ilang public school teachers na inatasan sila ibalik ang mga gadgets dahil na rin sa pagpapatupad  ng full face-to-face classes na magsisimula na nga ngayong araw na ito Nob. 2.

 

 

Gayunman, pinabulaan ito ng DepEd’s regional director sa NCR na naglinaw na wala silang ibinababa na ganitong kautusan. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 21, 2023

  • P750K paglalabanan sa PBA 3×3 grand finals

    Premyong P750,000 ang pag-aagawan ng 10 top teams sa Grand Finals ng PBA 3×3 Lakas ng Tatlo tournament sa Disyembre 29 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.     Papagitna sa aksyon ang nasabing finale kung kailan pahinga ang 2021 PBA Governors’ Cup.     Nauna nang ikinunsidera ni PBA Commissioner Willie Marcial ang […]

  • Sa October na ang kasal nila ni Timmy: MAXINE, hands-on sa preparations para sa church and beach wedding

    ILANG buwan na lang at ikakasal na si Maxine Medina sa kanyang fiance na si Timmy Llana.       Hands-on ang former Miss Universe-Philippines 2016 sa wedding preparations kaya minsan daw ay overwhelmed siya. Pero ginagawa na lang daw niyang masayang activity ang pag-asikaso ng kanyang nalalapit na kasal.       “As the […]