• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gaganap na Luna at Sky sa ‘Senior High’: ANDREA, may hatid na mahahalagang aral kasama sina KYLE, JUAN KARLOS, ZAIJIAN, XYRIEL at ELIJAH

MAHAHALAGANG aral tungkol sa mental health ang hatid na mensahe nina Andrea Brillantes, Kyle Echarri, Juan Karlos, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, at Xyriel Manabat, sa bagong Kapamilya teleseryeng “Senior High.”

 

 

 

Mapapanood na ito simula ngayong Lunes (Agosto 28) ng 9:30 PM.

 

 

 

Isa itong mystery-thriller series kung saan bibigyang diin ang ilang mga pagsubok na pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon tulad ng suicide, mental health, bullying, at peer pressure lalong-lalo na sa eskwelahan.

 

 

 

“We tackle sensitive topics. I really don’t wanna romanticize drugs, mental health, etc. I want to make this different and magkaroon talaga ng impact and makatulong talaga kami sa ibang tao na we need to take responsibility for our own life,” sabi ni Andrea.

 

 

 

Magsisimula ang kwento ng “Senior High” sa kambal na sina Luna at Sky (Andrea). Ibang-iba ang kanilang personalidad dahil si Luna ay matalino at pabibo, habang si Sky naman ay may hinanakit sa kanilang nanay na si Tanya (Angel Aquino) dahil ang lola niya ang nagpalaki sa kanya ng mag-isa.

 

 

 

Mag-iiba ang buhay ni Sky nang mag-enroll din siya sa eskwelahan nina Luna, ang prestihiyosong Northford High. Dito niya makikilala ang iba’t ibang grupo ng mga estudyante at isa na rito ang grupo ng mga mayamang bully na magkapatid na sina Archie (Elijah) at Z (Daniela Stranner), ang boyfriend ni Z na si Gino (Juan Karlos), at isa pa nilang kaibigang si Poch (Miggy Jimenez).

 

 

 

Sa kabilang banda naman ay ang tila mababait na mga estudyante pero may kanya-kanyang lihim din pala na itinatago. Nariyan ang misteryosong si Obet (Kyle) at ang mag-jowang sina Tim (Zaijian) at Roxy (Xyriel).

 

 

 

Mayayanig ang kanilang mundo nang ma-dead on the spot si Luna matapos mahulog sa isang balcony. Ipapalabas nilang suicide ang nangyari, pero malakas ang kutob ni Sky na may tumulak sa kanyang kapatid kaya gagawin niya ang lahat para lumabas ang katotohanan.

 

 

 

Suicide ba talaga ang nangyari kay Luna? Ano-ano ang mga kababalaghan at sikreto ng mga estudyante?

 

 

 

Ang “Senior High” ay mula sa direksyon nina Onat Diaz at Andoy Ranay, ang mga direktor ng patok na revenge series na “Dirty Linen.” Handog ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC ang isang Dreamscape Entertainment production, tampok din sina Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Baron Geisler, Mon Confiado, Sylvia Sanchez, Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena.

 

 

 

Mapapanood na ang “Senior High” Lunes hanggang Biyernes, ng 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWantTFC, at TFC.

 

 

 

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Ads December 9, 2024

  • De la Hoya inalok ng $100-M si Mayweather para sila ay mag-rematch

    Handang patulan ni US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr ang hamon ni Oscar De la Hoya na sila ay magharap muli.     Ito ay matapos na makapanayam ang Mexican boxing champion at sinabing handa itong magbigay ng $100 milyon para sa harapan muli.     Taong 2017 ng tuluyan ng magretiro si Mayweather […]

  • Mahigit $700-K halaga ng cocaine nakumpiska sa border ng US at Mexico

    NAKAKUMPISKA  ang US ng cocaine na nagkakahalaga ng $700,000.     Ayon sa US Customs and Border Protection, nasabat nila ang nasabing droga sa Hidalgo Bridge ng US-Mexico border na tawid lamang ng Rio Grande, Texas at Tamaulipas, Mexico.     Base sa imbestigasyon, hinarang nila ang isang kahina-hinalang van at ng siyasatin nilang mabuti […]