• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gagawa na naman ng history ang ‘Voltes V: Legacy’: MIGUEL, YSABEL at GABBY, dadalo sa San Diego Comic-Con 2023

“Voltes V: Legacy” makes history as the first Philippine TV program in Comic-Con International.  

 

 

GMA Network’s primetime masterpiece continues to dominate the entertainment world as it becomes the first-ever Philippine TV program to participate in the San Diego Comic-Con (SDCC) 2023.

 

 

Ang GMA ay inimbitahan ng Dogu Publishing para sa biggest annual comics convention sa California, USA.  According to Dogu Publishing CEO Jerry Blank, aim nilang to expand the reach of international panels around the globe, driving the way for a more diverse comic book industry.

 

 

Magaganap ang SDCC 2023 mula July 20 to 23 at dadaluhan nina GMA Senior Vice President Lilybeth G. Rasonable, Assistant Vice President for Drama Helen Rose S. Sese, Assistant Vice President for Post Operations Vincent C. Gealogo, and Telesuccess Productions Executive Producer Larson Chan.

 

 

Siyempre pa, ang highly-anticipated event ay hindi kumpleto kung hindi dadalo ang cast  ng “Voltes V: Legacy” na sina Miguel Tanfelix (Steve Armstrong), Ysabel Ortega (Jamie Robinson), Gabby Eigenmann (Commander Robinson), and the show’s esteemed director Mark Reyes.

 

 

Ang Comic-Con debut on July 22 from 10 am to 11 am at the Marriott Marquis San Diego Marina.  The cast will be signing a limited-edition poster on the convention floor.

 

 

Ang “Voltes V: Legacy” ay napapanood gabi-gabi, 8 p.m. sa GMA-7 and at 9:40 p.m. on GTV.  Global Pinoys can catch the program via GMA Pinoy TV.

 

 

                                                            ***

 

 

MASAYA si Anne Curtis nang muli siyang tumpak sa bakuran ng GMA Network para mag-guest sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

 

 

Hindi iyon ang unang pagkakataon ni Anne na maka-tungtong sa Kapuso Network dahil doon nagsimula ang kanyang TV career noong 1997.  Ilan sa mga nagawa niyang programa roon ay “T.G.I.S.” “Beh, Bote Nga,” “Anna Karenina,” “Idol Ko Si Kap,” at ang “Iibigin ay Ikaw.”

 

 

Huli niyang ginawa noong 2003 ay “Love to Love” bago siya lumipat sa ABS-CBN at naging Kapamilya.

 

 

Nagkaroon ng chance si Anne makabalik sa GMA nang magsimulang ipalabas sa GTV ng GMA, ang “It’s Showtime” noontime show ng ABS-CBN noong July 1.  Thankful si Anne sa mainit na pagsalubong sa kanyang pagbabalik sa GMA-7.

 

 

Malaki ang possibility na hindi ang guesting ni Anne kay Boy Abunda ang una at huli niyang pagtapak sa GMA.

 

 

Sa tanong kay Anne kung handa siyang gumawa ng mga projects sa GMA, nakangiti niyang sagot: “Yes, gusto kong makatrabaho rito ang sister ko, si Jasmine, kasi pareho kaming ‘baliw.’  Even before pa ng “It’s Showtime,” I was able to do a film with GMA Films and Viva because I am under Viva, so I am able to collaborate with GMA.”

 

 

                                                            ***

 

 

MAY mga nagtatanong na kay Kapuso actor at bagong “Eat Bulaga” host na si Paolo Contis kung ready na siyang magkaroon muli ng responsibilidad, pagkatapos niyang aminin ang relasyon nila ng actress na si Yen Santos.

 

 

Pero sagot ni Paolo, walang-wala pa sa kanyang mga priorities na magkaroon ng bagong responsibilidad.  Sa ngayon daw ay nasa ‘fixing stage’ pa rin siya.

 

 

Tanggap din niya ang mga pamba-bash ng mga haters sa social media, lalo na ang nagsasabing pabaya at wala raw siyang kuwentang ama dahil sa hindi niya pagsustento sa mga anak niya kay Lian Paz at LJ Reyes.

 

 

Basta ang pangako ni Paolo, “I will never enter their lives para manggulo.  Just to have a decent conversation, that’s all I’m asking.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Biado naghahanda na sa pagsabak sa SEA Games

    Tiniyak ni Filipino billiard champion Carlo Biado ang pagsali nito sa Southeast Asian Games sa Vietnam.     Matapos kasi ang panalo nito sa US Open Championship noong Setyembre 18 ay lumakas ang kumpiyansa nito para sa pagsali sa SEA Games sa 2022.     Bukod pa sa SEA Games ay isa ring pinaghahandaan nito […]

  • Pope Francis tiniyak na hindi niya kukunsintihin ang pang-aabuso ng mga pari

    TINIYAK ni Pope Francis na hindi niya kukunsintihin ang mga pang-aabusong sekswal ng ilang miyembro ng Simbahang Katolika.     Sinabi nito na hindi maaring ituloy ng isang pari ang pagiging pari kung siya ay nang-aabuso.     Itinuturing niya ito na “isang halimaw” ang mga pari na nag-aabuso sa mga kabataan.     Hindi […]

  • Happy na si Awra ang napiling co-host sa ‘Emojination’: MAJA, thankful and grateful sa APT sa pagtitiwala na maging game show host

    HUMANDA nang paganahin ang inyong imahinasyon dahil mapapanood na ang bagong game show na tiyak kagigiliwan ng lahat, ang Emojination ng TV5!     Kasama ang APT Productions, hatid ng Kapatid Network ang fun and entertaining game show na ito gamit ang mga emojis na magsisimula na ngayong Mayo 14, 5:00 pm sa TV5 at […]