• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gagawin ang lahat para maging best ‘Darna’: JANE, na-overwhelm sa naging endorsement ni VILMA

OVERWHELMED si Jane de Leon dahil may endorsement sa kanya ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos bilang Darna.

 

 

Isa sa most memorable movies ni Ate Vi ay ang ‘Lipad Darna Lipad’ kung saan tatlo ang director niya – Emmanuel Borlaza, Joey Gosiengfiao at Elwood Perez.

 

 

Apat na beses din na lumabas na Darna si Ate Vi at bilang bagong Darna ng kanyang generation, malaking karangalan para kay Jane na suportahan siya ng isang aktres na iconic din ang pagganap bilang Darna.

 

 

Natagalan man ang pag-take off ng ‘Darna’, hindi naman nawalan ng pag-asa si Jane na matutuloy pa rin ito.

 

 

Sabi pa ni Jane, malaking karangalan para sa kanya na mabigyan ng pagkakataon to portray an iconic role.

 

 

Hindi biro ang listahan ng mga aktres na gumanap bilang Darna and to be among them is indeed an honor.

 

 

“Gagawin ko po ang lahat to be the best Darna that I can be,” sabi pa ni Jane.

 

 

“Sobrang overwhelmed po ako. Ito na po ang pagkakataon para maipakita namin sa buong mundo ang pinaghirapan naming. Lahat ng cast and production staff. Marami kayong dapat abangan sa ‘Darna’ ang costumes, ang mga villains at sa bagong istorya ni Darna.”

 

 

***

 

 

PINALAKPAKAN si Rio Locsin nang rumampa siya sa red carpet sa grand mediacon ng ‘Darna’ noong Lunes.

 

 

At pinalakpakan din siya ng mga co-stars niya nang pumanhik siya sa stage ng Dolphy Theater.

 

 

Very thankful naman si Rio sa respetong ibinigay sa kanya ng co-stars niya sa ‘Darna’. Among the cast, parang si Rio yata ang eldest. And among them females, siya lang ang nakaganap na Darna.

 

 

Nagpapasalamat si Rio sa offer sa kanya to play the grandmother of Jane De Leon, who plays Darna.

 

 

Finally ay makikita na raw ng Pinoy audience, both here and abroad, ang pinaghirapan nilang trabaho sa bagong kwento ng Pinay superhero.

 

 

Humanga rin si Rio sa special effects na ginamit sa mga flying scenes ni Jane.

 

 

Noong time daw gumanap siyang Darna, nakapatong lang siya sa mesa tapos may electric fan tapos kunwari lumilipad siya.

 

 

Pero ngayon high-tech ang paglipad ni Darna.

 

 

Sinabi rin ni Rio dapat tutukan ng viewers ang kwento ng Darna dahil nakaka-inspire ito.

 

 

***

 

 

BIDA si Andrew Ramsay, bunsong kapatid ng award-winning actor na si Derek Ramsay, sa Cinemalaya entry na ‘Ginhawa’, which had its gala premiere noong Martes sa Main Theater ng CCP.

 

 

Dumalo sa screening ng movie si Derek together with Ellen Adarna.

 

 

Debut film ni Andrew ang ‘Ginhawa’ na ang kwento ay tungkol sa isang binata na nangangarap na maging champion boxer.

 

 

Pero matutuklasan niya na mahirap pala ang landas na tatahakin para matupad ang pangarap na maging champion boxer.

 

 

Sa ending ay may importanteng desisyon na kailangan gawin ang karakter na ginagampanan niya.

 

 

Gusto rin ni Andrew na pumasok sa showbiz as an actor. May background siya sa acting dahi nakagawa na siya ng mga stage plays.

 

 

Alam din niya na importante na matuto siyang magsalita ng Tagalog better kung gusto niyang magkaroon ng solid acting career sa Pilipinas.

 

 

Siyempre wish din ni Andrew na one ay magkasama sila sa isang movie project ng kanyang Kuya Derek.

 

 

Among the movies na ginawa ng kanyang kuya, pinakagusto niya ang ‘English Only Please’ na leading lady si Jennylyn Mercado.

 

 

Dapat din mag-take ng acting workshop si Andrew para mahasa ang acting niya.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Ads June 10, 2021

  • BEATRICE LUIGI GOMEZ, kinoronahan bilang ‘Miss Universe Philippines 2021’; RABIYA, agaw-eksena matapos matapilok

    ANG pinagmamalaking pambato ng Cebu City na si Beatrice Luigi Gomez ang nagwagi at nag-uwi ng korona ng Miss Universe Philippines 2021 noong gabi ng September 30 sa Panglao, Bohol.     Kinabog nga ng first openly queer beauty queen ang 27 candidates na kinabibilangan ng isa sa early favorites na si Maureen Wroblewitz ng […]

  • ‘Good luck’, wish ni PBBM sa mga Cambodia-bound SEAG athletes

    “GOOD LUCK”     Ito ang wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa  Cambodia SEAG-bound athletes at officials matapos pangunahan ang isinagawang formal send-off ceremony sa  Philippine International Convention Center sa Pasay, araw ng Lunes.     Naniniwala kasi ang Pangulo na  mahalagang suportahan ng lipunan ang sport o ang palakasan at dapat lamang na […]