• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Galvez, humingi ng paumanhin sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang LGUs

HUMINGI ng paumahin si Vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa publiko dahil sa vaccination delay sa ilang local government units (LGUs) bunsod ng kakulangan ng suplay ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Tiniyak ni Galvez sa publiko na magiging normal ang sitwasyon sa Hunyo 14.

 

Ani Galvez, nagkaroon ng problema matapos na magkaubusan ng suplay ng bakuna. Idagdag pa ang demand para sa bakuna ay “high across the globe.”

 

Kamakailan ay sinabi ni Galvez na tinatayang may 10 milyong doses ang inaasahan na darating sa bansa ngayong buwan habang 11 milyon naman ang inaasahan na darating sa buwan ng Hulyo.

 

Gayunman, ang mga lalawigan sa labas ng National Capital Region Plus — na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna —ay prayoridad dahil sa mataas na COVID-19 cases.

 

Ani Galvez, may 60% ng bakuna na darating ngayong buwan ng Hunyo ang ibibigay sa mga lalawigan habang 40% ang inilaan para sa NCR Plus. (Daris Jose)

Other News
  • 70M Filipinos, fully vaccinated bago matapos ang termino ni PDu30

    SA loob ng 15 buwan matapos ilunsad ang National Vaccination Program, nakamit ng  Philippine government ang target nito na gawing fully vaccinated ang 70 milyong Filipino laban sa Covid-19.     Sa pinakabagong  report  ng  National Vaccination Operations Center “as of June 17”, may kabuuang 70,005,247 indibidwal, o 77.78% ng target population  ang nakakumpleto na […]

  • Cheska and Kendra Kramer Advocates for Cervical Cancer Awareness and Prevention

      Cervical cancer survivor Belay Fernando, beauty queen and advocate Bea McLelland, and celebrity advocates Cheska Kramer and daughter Kendra Kramer led the discussion on empowering women in the fight against cervical cancer with host Niña Corpuz.     UNDERSCORING the importance of health education and open communication, celebrity mother-and-daughter duo Cheska and Kendra Kramer […]

  • GARY, first time voter pa lang sa May 2022 national election dahil dating American citizen

    FIRST time voter si Mr. Pure Energy Gary Valenciano this coming May 9 elections.     May mga nabasa kaming comment asking kung bakit ngayon lang boboto si Gary.     So we asked his wife Angeli P. Valenciano why is he voting only now?     Ito ang sagot niya, “It was because he […]