Galvez, nahhirapang makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, gamot para sa covid 19 patient
- Published on September 21, 2021
- by @peoplesbalita
INAMIN ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na wala itong magawa at nahihirapan na makakuha ng stocks ng arthritis drug tocilizumab, ginagamit para gamutin ang isang COVID-19 patient, bunsod ng global shortage ng gamot.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Huwebes, sinabi ni Galvez na idinulog na nila ang problema sa suplay sa Swiss ambassador at sa manufacturer ng gamot na Roche.
“Wala po tayong makukuha kasi ..it’s a global supply problem. Wala talaga tayong magawa,” ani Galvez.
Noong nakaraang linggo, binanggit ng Department of Health (DOH) na nakikipag-ugnayn na sila sa iba’t ibang suppliers na maaaring nakakuha ng tocilizumab mula sa Iran.
“We have also sent a letter to the Swiss embassy requesting to prioritize 30,000 vials of tocilizumab for the Philippines,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Nauna rito, sinabi ng DOH na inaasahan na nilang mananatiling limitado ang global supply ng tocilizumab hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan.
Sa ngayon, tinitingnan naman ng gobyerno ang baricitinib bilang alternatibo sa tocilizumab. (Daris Jose)
-
Napili sina Dennis, Julie Anne at Andrea: Mahusay na pagganap ni BARBIE sa ‘Maria Clara at Ibarra’, inisnab
ANO kaya ang magiging reaction ng mga fans ni Primetime Princess Barbie Forteza, at ng mga netizens na gabi-gabing sumusubaybay sa “Maria Clara at Ibarra” na parang hindi pinansin ng Philippine TV & Film Updates ang acting niya bilang si Klay? Napili nila kasi ang performances sa serye nina Dennis Trillo bilang Best […]
-
PDu30, nilagdaan ang batas na magtatatag ng heritage zones sa Cebu, Ilocos Sur
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang dalawang batas na magdedeklara at magtatatag ng heritage zones sa Cebu at Ilocos Sur. Nakasaad sa Republic Act (RA) No. 11644 o Carcar City Heritage Zone Act ang pagdeklara sa City of Carcar sa Cebu Province bilang heritage zone. “As such, it shall be […]
-
Pintor timbog sa P200K shabu sa Valenzuela
AABOT mahigit P.2 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang pintor na hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas Kulog, 50, house painter at […]