Game fixing batas lang ang katapat – Duremdes
- Published on October 3, 2020
- by @peoplesbalita
PANGARAP ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes na masugpo ang matagal nang nagaganap na iba’t-ibang uri ng game-fixing partikular sa sport. Kaya lang, aniya ay sadya mahirap papatunayan at makakuha ng mga ebidensiya laban sa mga sangkot upang mapanagot ang mga may sala.
Ayon nitong isang araw sa dating Philippine Basketball Association (PBA) Most Valuable Player at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach sa Adamson Soaring Falcons, kailangan ang isang mas detalyadong batas na magpaparusa at kakklapiska sa iba’t-ibang uri ng pagbebenta at pagmamanipula sa mga laro ng sinumang player, coach o team owner.
“One of the main concerns namin is game-fixing. Very rampant talaga. But the thing is walang actual na nahuhuli. Malaking isyu ito na dapat bigyang pansin ng gobyerno at ating mga mambabatas. Iyong ebidensiya kasi talaga ang mahirap hanapin unless na may magtuturo,” litanya 46 na taong-gulang na hoops official.
Dinugtong niya, “Siguro, ang magandang gawin ang Congress natin magbuo ng batas. Hindi kasi natin kilala tulad sa isang text lang, paano kung prepaid SIM card ang gamit, mahirap i-trace dahil walang pangalan.”
Pinanapos ni Duremdes na hinihintay na lang ng liga ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ)
Sa kinasuhan noong Nobyembre ni MPBL founder at chairman Sen. Emmanuel Pacquiao na 21 katao, kabilang ang 11 player ng SOCCKSARGEN.
Unang nasambit na rin dito sa OD nina MPBL-Valenzuela coach Gerald Esplana at PBA bench tactician Francisco Luis Alas na may alam sila sa game fixing.
Pero tulad ni Duremdes inamin nilang mahirap itong patunayan sa sangkot dahil sa kawalan ng batas upang matigil ang nabanggit ni krimen. (REC)
-
Bolts hinubaran ng titulo ang SMbeer
Matapos ang limang sunod na taon ay magkakaroon na ng bagong hari sa PBA Philippine Cup. Pinatalsik ng No. 5 Meralco ang No. 4 at nagdedepensang San Miguel, 90-68, sa kanilang ‘do-or-die’ game para umabante sa semifinal round kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga. “We know that we’re a deep […]
-
NCR may ‘community transmission’ na ng Delta variant
May nagaganap nang ‘community transmission’ ng Delta variant sa National Capital Region (NCR) base sa mga bagong datos, ayon sa OCTA Research. “We understand ang Department of Health, sila ang official body, kino-confirm nila ito through genome sequencing. We’re an independent group, (and) we can say based on statistics, based on sampling, yung […]
-
Nakilala at naging kaibigan si Alden: JULIA, inamin na first project na na-enjoy dahil maraming natutunan
NA-AMAZE pala si veteran actor ER Ejercito, nang mapanood niya ang world premiere ng special limited series na “Maging Sino Ka Man” last Monday evening sa GMA-7. Nagpakita nga ng husay sa mga action scenes ang mga bidang sina Barbie Forteza at Davie Licauco. Pinuri ni ER ang dalawang co-stars niya. Pinatutunayan daw […]