• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Game fixing malala sa dalawang liga sa bansa

SINIWALAT kamakailan ng dating player ng Philippine Basketball Association o PBA na si Gerald ‘Gerry’ Esplana, na malala ang game fixing sa dalawang liga sa bansa.

 

Ito aniya ay sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL at sa National Collegiate Athletic Association o NCAA.

 

Naging coach ng Valenzuela City sa MPBL at sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA ang 1990 PBA Rookie of the Year tapos huguting second round, ninth overall pick ng Presto Tivoli sa nasabing taong Rookie Draft.

 

Idinagdag ng graduate sa Far Eastern University ng University Athletic Association of the Philippines o UAAP, na isa mga player niya (EAC Generals) ang nabisto niyang nagbebenta ng laro.

 

Pero mas malala aniya ang game fixing sa MPBL na nilipatan niya tapos ng college stint o coaching job sa Aguinaldo.

 

Pero sa dami ng koponan sa semi-professional league, mahirap aniyang mabantayan ang lahat ng galaw ng mga may ari ng bawat team, mga manedyer, coach at lalo na ng mga player.

 

Dinugtong ng 13-year pro league veteran at magsi-54-anyos sa Oktubre 27, na ginawang raket na at kabuhayan ang game fixing at point shaving ng ilang manlalaro sa paliga (MPBL) ni Sen. Emmanuel Pacquiao.

 

Marahil aniya na dahilan na rin sa mababa ang allowances na galing sa liga, kaya napipilitan na humanap ng dagdag na mapagkakakitaan ng mga basketbolista kahit sa iligal na diskarte.

 

Siyempre nais matuldukan ang masamang gawaing ito para sa kabutihan ng sports sa pangkalahatan. (REC)

Other News
  • DA, nakikita ang pagbaba ng SRP para sa sibuyas sa ikalawang linggo ng Enero

    INAASAHAN na itatakda sa ikalawang linggo ng Enero ang mababang suggested retail price (SRP) para sa sibuyas.     Sinabi ni  Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista, araw ng Lunes na ang P250 kada kilogram na SRP para sa sibuyas ay napaso’ na nitong araw ng Sabado, Enero 7, dahilan para […]

  • WINWYN, hindi pa rin makapaniwalang nakapasok ang ‘Nelia’ sa MMFF; napapanahon ang kuwento at maraming makaka-relate

    MASAYA ang bagong producers na sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Quino dahil napili ang Nelia, ang unang venture nila as film producers bilang entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.      Bida sa movie si Winwyn Marquez, Raymond Bagatsing at Ali Forbes. Tampok din sa Nelia sina Mon Confiado, Lloyd Samartino, Shido […]

  • PNP naglatag na ng security measures vs magtatangkang manabotahe sa araw ng eleksyon

    NAGLATAG na ng security measures ang Philippine National Police (PNP) laban sa anumang pagtatangkang pananabotahe sa darating na halalan sa Mayo 9.     Sa isang statement tiniyak ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na hindi magtatagumpay ang anumang masamang plano sa mismong araw ng eleksyon dahil nagsasagawa na aniya sila ng contingency measures upang […]