Garantiya ng Malakanyang, may mananagot sa NBP incident; imbestigasyon, nakakasa na
- Published on January 20, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Karlo Nograles na may isinasagawa ng “full investigation” sa New Bilibid Prison (NBP) incident.
Tiniyak ni Nograles na mananagot ang mapatutunayang may kinalaman sa insidente.
“Yes. Of course , mayroon tayong mga procedures na sinusunod diyan kapag nagkakaroon ng ganiyang klaseng mga pangyayari, a full investigation is already under way,” ayon kay Nograles.
Aniya, may mga rekomendasyon base sa imbestigasyon at “those who will be found responsible will be penalized.”
Sa ulat, tatlong inmate ang nakatakas mula sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison nitong madaling araw ng Lunes, ayon sa pulisya.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Muntinlupa police, tumalon ang mga pugante mula sa path walk at nakipagbarilan sa mga guwardiya sa Gate 3 at 4.
Kinilala naman ng Bureau of Corrections (BuCor) ang mga pugante bilang sina:
– Arwin Villeza, 35 (homicide at attempted homicide)
– Drakilou Yosores Falcon, 34 (robbery at homicide)
– Pacific Villaruz Adlawan, 49 (frustrated homicide at illegal drugs)
Pawang armado ang mga nakatakas na preso, na nakasuot ng BuCor shirts.
Dinala naman sa pagamutan ang mga jail guard na nasugatan sa barilan. (Daris Jose)
-
National budget para sa rehabilitasyon at restoration ng mga public infrastructure suportado ng Kamara
SUPORTADO ng Kamara ang fund requirements sa national budget para sa rehabilitasyon at restoration ng mga public infrastructure sa mga probinsiyang apektado ng magnitude 7 na lindo sa Northern Luzon. Pahayag ito ni Speaker Martin Romualdez kasunod na rin sa pagbisita nina Pangulong Bongbong Marcos, Senadora Imee Marcos at iba pang mataas na […]
-
Simula Pebrero 1 maliliit na alagang hayop, pwede nang isakay sa LRT-2
INANUNSIYO ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na simula sa Pebrero 1 ay magiging pet-friendly na ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) dahil maaari nang isakay ng mga fur parents ang kanilang maliliit na alagang hayop sa kanilang mga tren. “Beginning Feb. 1, pwede nang magdala at magsakay ng ating mga pets […]
-
Navotas, tumanggap ng mga bagong Art Scholars
MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinakabagong mga benepisyaryo ng NavotaAs Arts Scholarship Program para sa school year 2024-2025. Pormal na ginawa ni Mayor John Rey Tiangco ang pagpapatuloy ng programa sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement, na nagbibigay ng scholarship sa mga mahuhusay na kabataang Navoteño na […]