• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Garcia namumuro na kay Pacquiao?

Maugong ang pangalan ni World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia sa posibleng makalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

 

 

Mismong ang tatay ni Garcia na si Henry ang nagkumpirma na gumugulong na ang negosasyon para sa laban na inaasahan nitong maikakasa anumang araw ngayong linggo.

 

 

“It’s not bizarre, it’s just two people who want to fight each other; Ryan’s fighting a legend and Pacquiao’s fighting a rising star, so it’s not awkward at all,” ani Henry sa Sky Sports.

 

 

Ikinuwento pa ni Henry na isang 10-round boxing match lamang ang nakapaloob sa kasunduan.

 

 

Hindi rin itataya sa natu­rang laban ang World Bo­xing Association (WBA) welterweight title ni Pacquiao.

 

 

Kaya naman tila nabig­yang linaw ang nauna nang pahayag ni Pacquiao na posibleng matuloy ang laban nito sa 22-anyos boxer ngunit magsisilbi lamang itong exhibition match.

 

 

“Nandyan din si (Ryan) Garcia pero parang exhibition lang yan, 22 years old pa lang parang anak ko na yan. Pero ok lang yan parang ako ang professor (niya),” ani Pacquiao sa naunang ulat ng PSN.

 

 

Naghihintay na lamang ng go signal ang kampo ni Garcia kung matutuloy ito o hindi.

 

 

“What I do know is both fighters want to fight each other and it’s going to be for real – it’s going to be a real fight,” ani Henry.

 

 

Sa kabilang banda, umaasa pa rin si Ultimate Fghting Championship superstar Conor McGregor na matutuloy ang laban nito kay Pacquiao.

 

 

Halos kasado na ang Pacquiao-McGregor fight na napaulat na gaganapin sana sa Abril 23 sa Dubai, United Arab Emirates.

 

 

Subalit naging matamlay ang usapan matapos matalo si McGregor kay Dustin Poirier via second-round knockout sa Abu Dhabi.

Other News
  • Sen. Pacquiao, bagong pangulo ng PDP-Laban party

    Pormal ng nanumpa bilang bagong pangulo ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Senator Manny Pacquiao.   Sinabi ni PDP-Laban executive Director Ronwald Munsayac, napili rin si House Speaker Lord Allan Velasco bilang bagong executive vice president ng partido.   Si Pacquiao aniya ay naging “acting national president” na bago pa pormal na italaga […]

  • PBBM, Cabinet tinalakay ang digital governance, pagpapagaan sa restriksyon

    NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ngayong araw  ng Martes, Oktubre  25 sa kanyang gabinete upang talakayin ang pag-usad ng mga plano ng administrasyon, kabilang na ang pagpapabuti ng pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng digital na pamamaraan .     Sa Facebook post ng Office of the President (OPS) nakasaad dito na pinag-usapan din […]

  • Renomination ni Nograles bilang chairperson, OK sa CSC

    WELCOME sa Civil Service Commission (CSC) ang ginawang ‘renomination”  ni  President-elect Ferdinand Marcos Jr. kay dating cabinet secretary Karlo Nograles bilang  Chairperson-designate ng nasabing ahensiya.     “We were already off to a good start with Chair Karlo’s earlier brief stint at the Commission. Now that he’s back, I, together with Commissioner Ryan Acosta, as […]