• April 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gawad Kalasag Seal of Excellence Award muling nakuha ng Malabon LGU

SA ikalawang pagkakataon, muling nasungkit ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang Gawad Kalasag Seal of Excellence Award at “Beyond Compliant” mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Councel (NDRRMC).

 

 

Ito’y sa katatapos lamang na Gawad Kalasag National Awarding Ceremoney na ginanap noong December 11, 2023 sa Manila Hotel, Ermita Manila.

 

 

Ang naturang parangal ay nakamit sa ilalim ng matagumpay na pamumuno ni Mayor Jeannie Sandoval, kasama si City DRRM Officer Roderick Tongol, at ang buong Malabon Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

 

 

Ang Gawad Kalasag ay isang pambansang parangal mula sa NDRRMC na naglalayong parangalan ang mga lokal na pamahalaan, ahensya ng gobyerno, mga organisasyon, at mga indibidwal na nagpamalas ng kahusayan sa larangan ng disaster risk reduction and management (DRRM) at humanitarian assistance.

 

 

Patunay ito na epektibo at maayos ang mga hakbang na isinasagawa ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan at kaginhawaan ng komunidad sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.

 

 

Kasama din rito ang maingat na pagpaplano, implementasyon ng mga proyektong DRRM, edukasyon sa publiko, at iba pang hakbang na naglalayong mapababa ang panganib at pinsala sa oras ng kalamidad.

 

 

“Ang parangal na ito’y nagbibigay inspirasyon sa atin na patuloy na magsikap para sa mas ligtas at maunlad na kinabukasan. Maraming salamat sa inyong suporta at pagkakaisa!” pahayag ni Mayor Jeannie. (Richard Mesa)

Other News
  • Proud na proud sa pagiging lola… JAYA, karga-karga ang unang apo na si GRAYSON

    LAST year lang ni-launch via Sparkle Teens sina James Graham at Charlie Fleming.     Dream nila noon na makasama sa isang malaking teleserye. Natupad ang wish nila dahil kasama sila sa big cast ng Widows’ War.     Pareho nasa teleserye na Royal Blood sina James at Charlie kaya nag-crossover ang characters nila sa […]

  • Mag-ingat sa abo ng Taal – DOH

    NAGLABAS ng mga paalala ang Department of Health (DOH) sa mga residente na malapit sa Bulkang Taal sa mga panganib sa kalusugan na idudulot ng paglanghap ng nakalalasong ibinubuga ng nag-aalburutong bulkan.     “Ang sulfur oxide ay isang nakalalasong usok na maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao at hayop, pati na rin ang mga […]

  • Ads February 15, 2024