• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gawilan lalangoy, pasok sa Tokyo Para Games

MAY panlaban rin ang Philippine Team sa 2020 Tokyo Para Olympics matapos makasungkit ng slots si swimmer Ernie Gawilan matapos maabot ang kinakailangang puntos para mapasabak sa quadrennial meet na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 6.

 

Nakalap ni Gawilan ang Olympic points bunsod nang matikas na kampanya sa 2018 Asian Para Games sa Jakarta Indonesia at sa 2019 World Para Championships na ginanap sa London kasama sina Garry Bejino, Arnel Aba at Roland Sabido.

 

Aminado si Gawilan na maging siya ay nasorpresa dahil ang kanyang pagkakaalam ay dalawang events pa ang dapat niyang lahukan.

 

“Akala ko po isa o dalawang events pa po. Pero sabi ni coach Tony, ok na raw po, siya po talaga ang nakaalam,” pahayag ni Gawilan.

 

Ito ang ikalawang pagkakataon na sasabak sa Olympics si Gawilan na bahagi rin ng delegasyon na sumabak sa 2016 Rio de Janeiro sa Brazil.

 

“Masaya po ako, kasi kapag nagkataon, ito po ang ikalawang beses na makapaglaro sa pinakamataas na competition. Kakaunti lang po kasi ang nakakarating doon,” pahayag ng 28- anyos na si Gawilan.

 

Sa kasalukuyan, puspusan ang paghahandang ginagawa ni Gawilan kung saan buo ang suporta na kanyang nakukuha buhat sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pangunguna ni Chairman William “Butch” Ramirez. Malaking bagay, ayon kay Gawilan ang suportang ibinibigay ng gobyerno sa mga tulad niyang atleta.

 

“Sana po ay huwag po kayong magsawang sumuporta sa sports dito po sa ating bansa, para po maituwid po sila sa mga bagay na nakakasira sa kanila. Malaking tulong din po kasi ito para sa kanila lalo na sa kalusugan po at para magkaroon po sila ng disiplina,” pahayag ni Gawilan.

 

Lubos ang pasasalamat ng pambato ng Davao na si Gawilan sa lahat ng kanyang tagumpay na nakuha at sa patuloy na suporta ng sambayanan sa Para athletes.

Other News
  • Sandiganbayan, ibinasura ang mosyon ng pamilya Marcos na bawiin ang mga ari-arian

    IBINASURA ng Sandiganbayan ang pakiusap ni dating First lady Imelda Marcos at ng kanyang anak na si Irene Marcos-Araneta na bawiin ang mga ari-arian na inagaw sa kanila sa kanilang na-dismiss na P200-bilyong civil forfeiture case.     Sa 40-pahinang resolusyon noong Enero 25, sinabi ng Fourth Division ng korte na ang mosyon ng dalawang […]

  • Public transpo sa ilang bahagi ng PH, hindi pa handa para sa full resumption ng F2F classes

    HINDI PA handa ang public transportation sa ilang bahagi ng Pilipinas sa pagpapatupad ng full resumption ng face-to-face classes.     Ito ang naging tugon ng isang grupo ng mga commuter sa planong pagbabalik ng bagong administrasyon sa in-person classes sa darating na pasukan.     Sa isang pahayag ay sinabi ni The Passenger Forum […]

  • BBM, 58% UNBEATABLE SA ABRIL 22-25 FINAL SURVEY NG OCTA RESEARCH; NAPANATILI ANG 33% LAMANG SA KALABAN

    TATLONG araw bago ang halalan sa Mayo 9, lalong nasigurado ang panalo ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., matapos itong magtala ng 58 porsyentong voter preference sa pinal na survey ng OCTA Research na isinagawa nitong Abril 22-25.     Si Marcos na number 7 sa opisyal na balota ng Comelec, ay tumaas pa […]