• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GCQ sa NCR pinalawig hanggang Agosto 15

Mananatili sa Enhance Community Quarantine (ECQ) ang probinsiya ng Iloilo City, Iloilo province sa Region 6 at Cagayan de Oro at Gingoong City sa Region 10 simula Agosto 1 hanggang Agosto 7, 2021.

 

 

Ito ang ginawang anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang national address nitong Miyerkules ng gabi.

 

 

Inilagay naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Ilocos Norte sa Region 1, Bataan sa Region 3 at Lapu-Lapu City at Mandaue City sa Region 7 mula Agosto 1- 7.

 

 

Pinalawig ng pangulo ang General Community Quarantine (GCQ) with heightened restriction classification ang National Capital Region mula Agosto 1 hanggang Agosto 15.

 

 

Kasamang na nasa GCQ with heighthened restirctions ang Ilocos Sur sa Region 1, Cagayan sa Region 2, Bulacan sa Region 3k Laguna, Lucena City, Cavite at Rizal sa Region 4-A, Naga City sa Region 5; Antique, Aklan, Bacolod City and Capiz sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga del Sur sa Region 9; Misamis Oriental sa Region 10; Davao City, Davao del Norte, Davao de Oro at Davao Occidental sa Region 11; at Butuan City at CARAGA.

 

 

Samantala ang mga lugar gaya ng Baguio City at Apayao sa Cordillera Administrative Region; Santiago City, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino sa Region 2; Quezon at Batangas sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Guimaras at Negros Occidental sa Region 6; Zamboanga Sibugay, City ng Zamboanga at Zamboanga del Norte sa Region 9; Davao Oriental at Davao del Sur sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato at South Cotabato sa Region 12; Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands at Surigao del Sur sa CARAGA at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nasa GCQ classification mula August 1 hanggang August 31, 2021.

 

 

Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula Agosto 1 hanggang Agosto 31. (Daris Jose)

Other News
  • MICHAEL KEATON DESCRIBES THE FEEELING WEARING BATSUIT ONCE AGAIN IN ‘THE FLASH’

    MICHAEL Keaton described how it felt wearing the Batsuit once again in the upcoming The Flash movie.     Keaton played the Caped Crusader about thirty years ago in Tim Burton‘s 1989 Batman film and in 1992’s Batman Returns. Considered one of the best portrayals of the superhero, Keaton surprised fans when he was announced to reprise his role in […]

  • Kagawad arestado sa panunutok at pagpapaputok ng baril sa Malabon

    DINAKIP ng pulisya ang 63-anyos na Kagawad ng barangay matapos ireklamo sa panunutok at pagpapaputok ng baril ng kanyang ka-lugar sa Malabon City.         Kusang isinuko ni alyas “Kagawad Jaime” residente ng Karisma Village, Brgy. Panghulo, ang kanyang lisensiyadong kalibre .45 baril na may kalakip na “permit to carry outside residence” sa […]

  • SHARON OSBOURNE, nag-apologize na sa ‘racist remark’ pero posible pa ring matsugi sa talk show

    INAAKUSAHAN ang The Talk host na si Sharon Osbourne ng pagiging isang racist.     Ito ang naging issue ng naturang talk show na kasalukuyang in hiatus dahil inaalam pa kung ang kahihinatnan ng mga reklamo laban kay Osbourne.     Nagsimula ang lahat nang kampihan ni Osbourne si Piers Morgan na nagsabing nagsisinungaling si […]