• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gen. Cascolan, nanumpa sa harap ni PDu30 bilang bagong hepe ng PNP

PINANGASIWAAN ni Pangulong  Rodrigo Roa  ang panunumpa sa tungkulin ni  Police General Camilo Cascolan bilang bagong  Philippine National Police (PNP) chief.

 

Kasama ni Cascolan ang kanyang pamilya sa nasabing seremonya na idinaos  sa Malakanyang.

 

Umaasa naman ang Malakanyang na maipatutupad ni Cascolan ang batas, aalisin ang mga kurakot na pulis at mapanatili ang tagumpay ng giyera laban sa ilegal na droga sa ilalim ng kanyang maiksing termino.

 

Si Cascolan ay nakatakdang magretiro sa Nobyembre.

 

“I will lead this organization along the footsteps of my predecessors and along the shadows of their leadership and building on what they have started,”  ayon kay Cascolan sa kanyang assumption speech nitong September 2.

 

“I will lead the PNP along with the vision of a highly-capable, effective, and credible PNP that provides better and more reliable, more efficient and more effective police services,” aniya  pa rin.

 

Samantala, sinabi ni Cascolan na ang police force ay hindi magiging epektibo kung wala ang  suporta ng komunidad.  (Daris Jose)

Other News
  • ARTA, nag-level up sa business permitting process sa Pinas

    NAGING  matagumpay ang  Anti-Red Tape Authority (ARTA) na i-streamline ang ilan sa permitting process  upang masiguro na maging magaan ang transaksyon o “doing business” sa Pilipinas.     Sinabi ni  Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  US businesses na ang kanyang administrasyon ay “working hard”  para i-minimize ang red tape at  i-digitalize ang bureaucratic processes. […]

  • KYLIE, nag-post na ng picture ni ALJUR kasama ang dalawang anak para matigil na ang isyu ng hiwalayan

    NAG–POST na si Kylie Padilla ng picture ng mister niya na si Aljur Abrenica at dalawa nilang anak, para siguro matigil na ang isyu na hiwalay na o may pinagdadaanan silang mag-asawa.     Naka-off ang comment sa Instagram post na yun ni Kylie. So, obviously, ayaw nitong mag-entertain ng ano mang tanong, reaction o […]

  • Higit 4K ng 4Ps beneficiaries, lisensyadong guro na – DSWD

    MAHIGIT sa 4,000 da­ting monitored children ng Pantawid Pamil­yang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay mga licensed professional teachers (LPT) na nga­yon.       Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, patunay ito na epektibo ang 4Ps sa pag-aaral ng mga anak ng mga benepisyaryo.       Base […]