Gen. Parlade at Usec. Badoy, may ‘gag order’ sa community pantry issues – Esperon
- Published on April 28, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na kaniya nang pinagsabihan sina Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. at Larrine Badoy, kapwa tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na huwag muna magbigay ng anumang pahayag o komento kaugnay sa mga isinasagawang community pantry initiatives.
Ayon kay Esperon, ang chairman ng NTF-ELCAC, layon ng “gag order” ay para maiwasan na magkaroon ng kalituhan kaugnay sa bayanihan initiative.
“Yes, I did if only to emphasize that NTF ELCAC or Gen Parlade or Usec Badoy are not against bayanihan or community pantries,” wika ni Sec. Esperon.
Naiintindihan naman aniya nina Parlade at Badoy ang inilabas nitong gag order at sa katunayan ay suportado ng dalawa ang bayanihan spirit sa mga community pantry.
Siniguro rin ng NTF-ELCAC chairman na suportado nila ang community pantries na itinayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Una rito, itinanggi ni Parlade na kaniyang iniuugnay ang ilang organizers ng community pantries sa komunistang rebelde.
Pero aminado si Parlade, ginagaya ng makakaliwang grupo ang community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Daris Jose)
-
Kinilig ang netizens sa sweet birthday message… DOUG, proud kay CHESCA sa pagiging hands-on mom
KINILIG ang netizens sa pinost na sweet birthday message ni Doug Kramer sa kanyang wifey na si Chesca Garcia-Kramer. Marami ang naiinggit sa Team Kramer, hindi lang dahil sa marami silang endorsements, kundi sa pagiging happy family nila. Parating kasama nina Doug at Chesca ang kanilang mga anak na sina […]
-
Isinapuso talaga ang pagganap sa OPM icon: JOHN, naramdaman na parang sinaniban ni APRIL BOY
SA celebrity premiere night ng ‘IDOL: The April Boy Regino Story’ na ginanap sa ballroom ng Great Eastern Hotel sa QC, nakatsikahan namin ang baguhang aktor na si John Arcenas, na gumaganap bilang April Boy Regino. Kinuwento niya ang naranasan sa pagpunta sa bahay ng OPM icon sa Marikina City para kausapin ang […]
-
Mas maraming SEEDLING Nurseries sa bansa para palakasin ang AGRI OUTPUT, CUT RELIANCE sa pag-angkat -PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang pagpaparami sa ‘seedling nurseries’ sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ay mapakikinabangan ng ‘agriculture, food specialty, at food processing industry’ sa bansa. Kabilang ang mga ito sa mga bagong estratehiya na nakikita ng pamahalaan na magagamit para bawasan ang pagsandal sa importasyon ng agricultural goods […]