• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

General at colonels na nakapagsumite na ng courtesy resignation, sasailalim sa lifestyle check

INIHAYAG ng Philippine National Police na sasailalim sa lifestyle check ang mga general at colonel ng pulisya na nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.

 

 

Ayon kay Philippine National Police Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang lifestyle check ay bahagi ng pagsisikap ng five-man committee na magsusuri sa courtesy resignations at magrerekomenda kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Sa pinakahuling bilang, mahigit 500 na matataas na opisyal ng pulisya ang nagsumite na ng kanilang courtesy resignation, ngunit hindi malinaw kung kabilang dito ang 10 na iniulat na sangkot sa illegal drug trade.

 

 

Samantala, ayon sa Volunteers Against Crime and Corruption, mas mabuting kasuhan na lang ang mga opisyal na sangkot sa illegal drug trade, dahil maaaring mauwi sa demoralisasyon sa Philippine National Police ang paghingi ng courtesy resignation ng lahat ng matataas na opisyal.

 

 

Kaugnay niyan, wala pa umanong komento ang Philippine National Police at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pahayag ng Volunteers Against Crime and Corruption.

 

 

Una rito, si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang umapela sa mga generals at full colonels na isumite ang kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng pagsisikap na alisin sa puwersa ng pulisya ang mga nasasangkot sa illegal drug trade. (Daris Jose)

Other News
  • Pogoy nakatakda na sa tahimik na buhay

    BUHAT sa may siyam na taon at 10 buwang pagiging magdyowa, engaged na si Philippine Basketball Association (PBA) at Gilas Pilipinas star Roger Ray ‘RR Pogoy at ang kasintahang si Love Portes.     “Thank you Lord! She said yes!” caption ng TNT at national men’s basketball team shooter sa kanyang Instagram post nito lang […]

  • OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas

    OPISYAL na idineklara ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ang unang Linggo ng Mayo bilang Pistang Bayan ng Navotas kung saan kinilala si San Jose bilang city patron at protector. Nakiisa naman si Congressman Toby Tiangco, kasama ang kanyang asawa na si Michelle kay Bishop David sa paglalahad ng […]

  • MC Taxi expansion, tigil na – LTFRB

    ITINIGIL na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Motorcycle Taxi expansion o ang pagpaparami pa ng bilang ng mga Motorcycle taxi na magsasakay ng mga pasahero.     Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, head ng Technical Working Group para sa pilot study ng MC Taxi service sa bansa, magsusumite na ang […]