• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

General Tinio U-turn slot sa EDSA sinaraduhan

Ang U-turn slot na nakalagay sa Caloocan sa may kahabaan ng EDSA ay sinaraduhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

Simula ngayon, ang U-turn slot sa General Tinio ay sinaraduhan upang masiguro ang daloy ng mg EDSA Carousel buses na walang sagabal sa kahabaan ng EDSA.

 

“Affected motorists should take a turn at Balintawak cloverleaf to their destinations,” wika ng MMDA.

 

Maglalagay naman ng mga directional signages sa mga lugar upang mabigyan ng direksyon ang mga motorista.

 

Samantala noong nakaraang taon ay muling binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang (2) U-turn slots sa EDSA sa Quezon City matapos na pagsabihan ng mga lawmakers at ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang MMDA.

 

Ang nasabing U-turn slots ay ang nasa tapat ng Quezon City Academy at ang malapit sa Darrio Bridge sa Balintawak upang magamit ng mga motorista at dahil sa sunod-sunod na complaints na tinalakay sa nakaraang congressional inquiry ng House committee sa Metro Manila development.

 

Ang nasabing U-turn slot sa Quezon Academy ay bukas lamang para sa mga light vehicles samantalang ang nasa Darrio Bridge ay para lamang sa mga emergencies at government vehicles.

 

Nagalak naman si Mayor Joy Belmonte sa naging desisyon ng MMDA sa muling pagbubukas ng nasabing U-turn slots, na noon pa man ay hiniling na ni Belmonte dahil sa maraming complaints na kanyang natatangap mula sa mga motorista.

 

Nagapela rin si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga ahensiya ng national government na buksan pa ang dalawang (2) intersections na sinara sa kahabaan ng EDSA upang mabawasan ang traffic sa nasabing major highway.

 

Nagpadala ng isang sulat si Belmonte sa Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Franchising and Development Authority (LTFRB) upang makiusap na buksan ang interchanges sa EDSA-Munoz at EDSA-West Avenue-North Avenue. Sa ngayon ay sarado pa rin ang nasabing 2 intersections.

 

Ayon kay Belmonte ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa ilalim ng task force traffic management ay silang mangangasiwa sa stop-and-go scheme sa mga nasabing U-turn slots.

 

 

Sila rin ang titingin sa daloy ng traffic sa mga iba pang lugar upang malaman kung maaari pa na humiling sa MMDA na muling buksan ang ibang U-turn slots.

 

Sinarahan din ng MMDA ang madaming U-turn slots sa EDSA upang magbigay daan sa gagawing EDSA busway. (LASACMAR)

Other News
  • 4 LANG NA DAYUHAN INISYUHAN NG EXECUTIVE CLEMENCY

    APAT lamang ang dayuhan sa may 139 pinagkalooban ng executive clemencies ni Pangulong Rodrugo Duterte sa panahon ng kanyang termino.   Ang pahayag ay ginawa ni Jutice Secretary Menardo Guevarra matapos na batikusin ,ang ginawa niyang pagbibigay ng pardon sa Amerikang sundalo na si Joseph Scott Pemberton na nakapatay sa transgender na si Jennifer Laude […]

  • Posibilidad na magdagdag pa ng NBA teams, pinag-aaralan na – Silver

    Inamin ng NBA na hindi nila isinasara ang kanilang pintuan sa posibilidad na madagdagan pa ang kasalukuyang 30 teams na naglalaro sa liga.   Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, sa ngayon ay kanila nang pinag-aaralan kung ano ang maaaring implikasyon ng pagpapalawig pa sa bilang ng mga naglalarong koponan.   Paglalahad pa ni Silver, […]

  • TONI, ni-reveal na si PEPE ang leading man sa ‘My Sassy Girl’; 2006 pa gustong gawin ang remake

    KATULAD ng pinangako ng TinCan Films, magkakaroon ng separate announcement sa magiging leading man ni Toni Gonzaga, matapos na I-reveal na ang tv host/actress ang gaganap sa title role ng Philippine remake ng South Korean hit romcom movie na My Sassy Girl.     Sa naturang production outfit nina Toni, in-announce na sa official Facebook […]