General Tinio U-turn slot sa EDSA sinaraduhan
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
Ang U-turn slot na nakalagay sa Caloocan sa may kahabaan ng EDSA ay sinaraduhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Simula ngayon, ang U-turn slot sa General Tinio ay sinaraduhan upang masiguro ang daloy ng mg EDSA Carousel buses na walang sagabal sa kahabaan ng EDSA.
“Affected motorists should take a turn at Balintawak cloverleaf to their destinations,” wika ng MMDA.
Maglalagay naman ng mga directional signages sa mga lugar upang mabigyan ng direksyon ang mga motorista.
Samantala noong nakaraang taon ay muling binuksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang (2) U-turn slots sa EDSA sa Quezon City matapos na pagsabihan ng mga lawmakers at ng pamahalaang lungsod ng Quezon City ang MMDA.
Ang nasabing U-turn slots ay ang nasa tapat ng Quezon City Academy at ang malapit sa Darrio Bridge sa Balintawak upang magamit ng mga motorista at dahil sa sunod-sunod na complaints na tinalakay sa nakaraang congressional inquiry ng House committee sa Metro Manila development.
Ang nasabing U-turn slot sa Quezon Academy ay bukas lamang para sa mga light vehicles samantalang ang nasa Darrio Bridge ay para lamang sa mga emergencies at government vehicles.
Nagalak naman si Mayor Joy Belmonte sa naging desisyon ng MMDA sa muling pagbubukas ng nasabing U-turn slots, na noon pa man ay hiniling na ni Belmonte dahil sa maraming complaints na kanyang natatangap mula sa mga motorista.
Nagapela rin si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga ahensiya ng national government na buksan pa ang dalawang (2) intersections na sinara sa kahabaan ng EDSA upang mabawasan ang traffic sa nasabing major highway.
Nagpadala ng isang sulat si Belmonte sa Department of Transportation (DOTr), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Land Transportation Franchising and Development Authority (LTFRB) upang makiusap na buksan ang interchanges sa EDSA-Munoz at EDSA-West Avenue-North Avenue. Sa ngayon ay sarado pa rin ang nasabing 2 intersections.
Ayon kay Belmonte ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa ilalim ng task force traffic management ay silang mangangasiwa sa stop-and-go scheme sa mga nasabing U-turn slots.
Sila rin ang titingin sa daloy ng traffic sa mga iba pang lugar upang malaman kung maaari pa na humiling sa MMDA na muling buksan ang ibang U-turn slots.
Sinarahan din ng MMDA ang madaming U-turn slots sa EDSA upang magbigay daan sa gagawing EDSA busway. (LASACMAR)
-
Pagpapalawig sa libreng Sakay extension sa EDSA buses, LRT-2 trains sa Metro Manila, muling ipinanawagan
IKINAGALAK ni CamSur Rep. LRay Villafuerte ang desisyon ng palasyo na palawigin pa hanggang Disyembre ngayon taon ang free bus ride program nito sa EDSA. Gayunman, umapela ang mambabatas sa dalawang kapulungan ng kongreso na mag-realign ng pondo sa General Appropriations Act (GAA) upang makapaglaan ang pamahalaan ng pondo upang mapalawig pa hanggang […]
-
Spence, interesado pa ring makaharap si Pacquiao
HINDI pa ring natatangal sa listahan ni Errol Spence na makaharap sa boxing ring si Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Sinabi ng World Boxing Council at Intercontinental Boxing Federation (IBF) champion, na nanatili pa rin si Pacquiao sa listahan na nais niyang makaharap. Isa aniyang karangalan na makaharap aniya ang boxing legend ng […]
-
Development agenda ng PBBM administration susuportahan
NANGAKO ang multinational investment firm na Morgan Stanley na susuportahan nito sa pamamagitan ng investment ang agresibong development agenda ng Marcos administration. Ito’y matapos makausap ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang Chairman for Asia Pacific ng Morgan Stanley na si si Gokul Laroia sa sidelines ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland. […]