• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Giant company, malabong makabalik sa negosyo kahit bigyan pa ng 5k prangkisa ng Kongreso

MALABONG makabalik sa negosyo ang isang giant company kahit bigyan pa ito ng prangkisa ng Kongreso kung hindi naman nito aaregluhin ang tax dues.

“Maski na bigyan ninyo ng limang libong franchise ‘yan, hindi i-implement ‘yan… Just because you gave them franchise, it does not follow that all of their misdeeds in the pasy are condoned,” ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

“Wala akong galit, bayaran mo lang ang gobyerno, sasaludo ako sa inyo limang beses,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Hindi naman pinangalanan ni Pangulong Duterte ang nasabing kompanya subalit matatandaang noong Mayo ng nakaraang taon ay ipinag-utos ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN Corporation na itigil ang operasyon ng iba’t ibang TV at radio stations sa buong bansa alinsunod sa expiration ng legislative franchise nito.

Matatandaang, buwan ng Hulyo nang hindi na paboran ng mga kongresista ang pagbibigay ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sa resolusyon ng House Committee on Legislative Franchises, iminungkahi nito na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Mula rito ay nagbotohan ang mga kasapi ng komite kung sila ay pabor o hindi sa naturang resolusyon.

70 mga kongresista ang pumabor na hindi bigyan ng prangkisa ang ABS- CBN habang 11 ang tutol sa mungkahi.

Ang 11 mambabatas na tumutol ay sina:
* Bienvenido Abante Jr, Manila 6th District
* Carlos Isagani Zarate, Bayan Muna party-list
* Christopher De Venecia, Pangasinan 4th District
* Edward Vera Perez Maceda, Manila 4th District
* Gabriel Bordado Jr, Camarines Sur 3rd District
* Jose “Ping-Ping” Tejada, North Cotabato 3rd District
* Lianda Bolilia, Batangas 4th District
* Mujiv Hataman, Basilan
* Sol Aragones, Laguna 3rd District
* Stella Luz Quimbo, Marikina 2nd District
* Vilma Santos-Recto, Batangas 6th District

2 naman ang nag-inhibit habang 1 ang nag-abstain.

Dahil sa desisyon, walang apela na magagawa ang ABS- CBN sa Kamara dahil walang ganoong hakbang sa rules.

Sa susunod na 19th Congress kung saan iba na ang Pangulo at iba na ang Speaker of the House ay maaari muling mag-apply ng panibagong prangkisa ang ABS- CBN.

Nauna nang sinabi ni House Speaker Alan Cayetano na conscience vote ang paiiralin sa pagboto sa franchise.

Samantala, habang nagaganap ang botohan, isang caravan naman ang ginawa ng mga ABS- CBN supporters sa labas ng Batasang Pambasa.

Kabilang sa mga Kapamilya artist na sumama sa caravan sa labas ng Gate 1 ng Batasang Pambansa sina Piolo Pascual at Kathryn Bernardo.

Maaalalang nag-expire ang prangkisa ng ABS- CBN noong May 4, 2020 sa gitna ng nararanasang  banta ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa pamunuan ng ABS-CBN nag-aplay sila ng panibagong prangkisa noong taong 2014 ngunit napending lamang ito sa 16th, 17th, at 18th congress. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Gal Gadot’s Netflix Failure, A Bad Sign for Disney’s live-action ‘Snow White’ Reboot

    GAL Gadot’s casting in Disney’s next live-action offering, Snow White, could be a bad sign after her recent Netflix failure, Heart of Stone.     Audience and critic enthusiasm for Disney remakes has been flagging in some quarters as the movie giant continues to release mostly uninspired remakes of its classic animated films. This means next year’s Snow White could […]

  • Ads January 26, 2021

  • 400k manggagawa sa turismo, nakatanggap ng tulong mula sa DOLE

    Inaprubahan ng Department of Labor and Employment ang aplikasyon ng aabot sa 400,000 manggagawa sa sektor ng turismo upang mabigyan ng tig-lilimang libong piso (P5,000) na tulong pinansyal mula sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).     Hanggang Abril 11, umabot na sa 370,434 manggagawa mula sa 14,301 na establisimentong panturismo, organisasyon at asosasyon sa buong bansa, […]