• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gierran, may hanggang Disyembre para ‘linisin’ ang PhilHealth – Palasyo

Binibigyan umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang Disyembre ang bagong upong pinuno ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth) na si Dante Gierran para linisin ang umano’y kurapsyon sa ahensya.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, titingnan umano ng Pangulong Duterte kung makakaya ba ni Gierran, na dating hepe ng National Bureau of Investigation, na malinis ang hanay ng PhilHealth bago nito ikonsidera ang pagbuwag o pagsasapribado sa state health insurer.

 

“The deadline given to Attorney Gierran is a deadline to clean up the organization. File all the cases that need to be filed, suspend, terminate, whatever you need to do in order to cleanse the ranks of PhilHealth,” wika ni Roque.

 

“Hindi naman po ibig sabihin na ang termino niya ay hanggang doon lamang.”

 

Una rito, nakipagpulong ang presidente kina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano kung saan isa sa mga natalakay ang mga kontrobersiyang bumabalot sa PhilHealth.

 

Ayon kay Sotto, siya raw ang nagrekomenda sa Pangulo na i-review muna ang pamumuno ni Gierran bago magpasya ang pagbuwag o pag-privatize ng ahensya.

 

Matatandaang nangako si Gierran na tutugunan nito ang isyu ng katiwalian sa PhilHealth sa loob ng dalawang taon.

 

“Sigurado ‘yan, kakayanin. Kakayanin ko talaga ‘yan,” ani Gierran. (Ara Romero)

Other News
  • AIMAG kanselado

    INIHAYAG ng Olympic Council of Asia (OCA) ang kanselasyon ng 6th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) na idaraos sana sa Nobyembre sa Thailand.     Dismayado si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino lalo pa’t naghahanda ang Pinoy athletes sa pagsabak nito sa AIMAG.     Ngunit kailangan nang mag-move in […]

  • McGregor, ‘di na umaasang tuloy ang Pacquiao showdown

    Hindi na umano umaasa pa si MMA superstar Conor McGregor na matutuloy pa ang nilulutong laban sa pagitan nila ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.     Pahayag ito ni McGregor matapos itong masilat ni Dustin Poirier sa ikalawang round ng bakbakan nila sa UFC 257 na idinaos sa Abu Dhabi kahapon.     […]

  • Bago manalo ng Best Actor sa 94th Academy Awards… WILL SMITH, sinapak si CHRIS ROCK dahil kay JADA at nag-apologize din sa acceptance speech

    HISTORY making night na sinamahan ng kontrobersya ang naganap na 94th Academy Awards or the Oscars sa Dolby Theater in Hollywood.     Sa unang pagkakataon ay tatlong babae ang naging hosts ng Oscars na sina Wanda Sykes, Regina Hall at Amy Schumer.   “This year the Academy hired three women to host – because […]