• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Giit ni Sec.Andanar: media workers, iprayoridad din sa pag-roll out ng Covid-19

IGINIIT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pangangailangan na iprayoridad ang mga media workers sa pag- rollout ng Covid-19 vaccine sa oras na maging available na ito.

 

Sinabi ni Sec. Andanar na kailangan din na ikunsidera bilang mga front-liners ang mga media workers.

 

“Front-liners ‘yan. Kahit anong mangyari, ang media ay araw-araw nand’yan nagbabalita at kailangan ng kababayan natin na mayroong nagsasalita na nagsasabi sa kanila kung ano’ng gagawin ,” ayon kay Sec. Andanar.

 

Nauna na kasing inanunsyo na ang first batch ng bakuna ay inaasahang darating sa Pilipinas sa ikatlo o ika-apat na linggo ng Pebrero.

 

Ipa-prayoridad ng pamahalaan ang mga medical at government front-liners, mahihirap na pamilya at vulnerable sectors para sa bakuna.

 

Sa kamakailan lamang na Pulse Asia survey, lumabas na 47 porsiyento ng Filipino ay umaayaw nang mabakunahan dahil sa safety concerns. Kaya nga, nais na tugunan ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng information drives.

 

Ani Sec. Andanar, isa itong malaking hamon sa gobyerno para baligtarin ang sentimyento ng mga Filipino hinggil sa kaligtasan ng bakuna.

 

“Talagang kailangan natin mabaliktad ‘yung 47 percent na ‘yun sapagkat ayon kay Presidente [Duterte] ay kailangan talagang mabakunahan ang ating mga kababayan para tayo ay magkaroon ng isang lipunan na puwede na ulit mangarap at puwedeng makipag-compete sa ibang ekonomiya ,’ aniya pa rin.

 

Sinabi pa ni Sec. Andanar na makapaghahatid din ito sa pagbangon ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpayag sa pre-Covid-19 programs at projects na maisulong.

 

Ang PCOO, kasama ang Philippine Information Agency (PIA), ay naglunsad kamakailan ng Explain, Explain, Explain Town Hall Meeting, na layuning ipabatid sa local government units (LGUs) at sa publiko ukol sa proseso na isinagawa ng pamahalaan para ipatupad ang National Covid-19 Vaccine Roadmap.

 

“Lahat ng ahensya ng gobyerno ay katuwang natin sa pag-disseminate ng mga balita patungkol dito sa vaccine. Kailangan kasing malaman ng mga kababayan natin ang bawat stage ng plano ni Secretary Galvez. Hindi naman tayo lalabas lang doon at bibili ng vaccine This vaccination program is the largest vaccination program that the government will undertake, not only in the Philippines but in the entire world,” lahad ni Sec. Andanar. (Daris Jose)

Other News
  • Walang face mask, arestuhin! — Duterte

    Inatasan na ng Supreme Court (SC) ang lahat ng trial court judges sa buong bansa na suspindehin ang commitment orders sa mga kulungang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).   Ito ang inisyung kautusan ni Court Administrator Jose Midas Marquez bilang hiling ng Interior Secretary Eduardo Año.   Para kay Año’s, ito […]

  • Contact tracing , isolation at treatment, gagawing tuluy- tuloy ng gobyerno

    HINDI ititigil at magpapatuloy ang tracing at isolation effort ng gobyerno kahit may mga bakuna pang dumating sa bansa.   Ito ang tiniyak ni Deputy Chief Implementer at Testing czar Secretary Vince Dizon sa kabila ng aniya’y labis ng pagod na nararamdaman ng mga may mahalagang papel sa patuloy pa ding nararanasang pandemya.   Aniya, […]

  • Prinsipyo ang usapan at ‘di pera: VIC, umaming sanay na ang TVJ na halos ‘di kumikita

    MASAYA ang pagpapakilala ni Vic Sotto at ng kanyang M-Zet Productions sa cast ng bago nilang sitcom na “Open 24/7” sa media conference nito last Monday, May 8.     Ito ang papalit sa katatapos na sitcom nila sa GMA Network, of more than four years, ang “Daddy’s Gurl.”     Sa “Open 24/7” Vic […]