• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Giit ni Sec.Andanar: media workers, iprayoridad din sa pag-roll out ng Covid-19

IGINIIT ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang pangangailangan na iprayoridad ang mga media workers sa pag- rollout ng Covid-19 vaccine sa oras na maging available na ito.

 

Sinabi ni Sec. Andanar na kailangan din na ikunsidera bilang mga front-liners ang mga media workers.

 

“Front-liners ‘yan. Kahit anong mangyari, ang media ay araw-araw nand’yan nagbabalita at kailangan ng kababayan natin na mayroong nagsasalita na nagsasabi sa kanila kung ano’ng gagawin ,” ayon kay Sec. Andanar.

 

Nauna na kasing inanunsyo na ang first batch ng bakuna ay inaasahang darating sa Pilipinas sa ikatlo o ika-apat na linggo ng Pebrero.

 

Ipa-prayoridad ng pamahalaan ang mga medical at government front-liners, mahihirap na pamilya at vulnerable sectors para sa bakuna.

 

Sa kamakailan lamang na Pulse Asia survey, lumabas na 47 porsiyento ng Filipino ay umaayaw nang mabakunahan dahil sa safety concerns. Kaya nga, nais na tugunan ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng information drives.

 

Ani Sec. Andanar, isa itong malaking hamon sa gobyerno para baligtarin ang sentimyento ng mga Filipino hinggil sa kaligtasan ng bakuna.

 

“Talagang kailangan natin mabaliktad ‘yung 47 percent na ‘yun sapagkat ayon kay Presidente [Duterte] ay kailangan talagang mabakunahan ang ating mga kababayan para tayo ay magkaroon ng isang lipunan na puwede na ulit mangarap at puwedeng makipag-compete sa ibang ekonomiya ,’ aniya pa rin.

 

Sinabi pa ni Sec. Andanar na makapaghahatid din ito sa pagbangon ng ekonomiya sa pamamagitan ng pagpayag sa pre-Covid-19 programs at projects na maisulong.

 

Ang PCOO, kasama ang Philippine Information Agency (PIA), ay naglunsad kamakailan ng Explain, Explain, Explain Town Hall Meeting, na layuning ipabatid sa local government units (LGUs) at sa publiko ukol sa proseso na isinagawa ng pamahalaan para ipatupad ang National Covid-19 Vaccine Roadmap.

 

“Lahat ng ahensya ng gobyerno ay katuwang natin sa pag-disseminate ng mga balita patungkol dito sa vaccine. Kailangan kasing malaman ng mga kababayan natin ang bawat stage ng plano ni Secretary Galvez. Hindi naman tayo lalabas lang doon at bibili ng vaccine This vaccination program is the largest vaccination program that the government will undertake, not only in the Philippines but in the entire world,” lahad ni Sec. Andanar. (Daris Jose)

Other News
  • World champ sprinter Coleman iaapela ang 2-year ban

    IAAPELA umano ni world champion sprinter Christian Coleman ang ipinataw sa kanyang two- year ban sa athletics bunsod ng anti-doping violations, ayon sa kanyang manager.   “The decision of the Disciplinary Tribunal established under World Athletics Rules is unfortunate and will be immediately appealed to the Court of Arbitration for Sport,” ani Emanuel Hudson.   […]

  • Baryang nakolekta ng BSP sa coin deposit machines, higit P115 milyon na!

    UMAABOT na sa mahigit P115 milyon ang halaga ng mga barya na nakolekta ng kanilang mga coin deposit machines (CoDMs).     Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), hanggang noong Oktubre 6, aabot sa lagpas 44 milyong mga barya ang naideposito sa mga CoDMs.     Pumalo naman sa 42,386 ang dami ng mga […]

  • Sa sunod-sunod na pagkapanalo ng mga international awards: DINGDONG, inisa-isa ang mga aktor na naparangalan sa ibang bansa

    NAG-POST ng kanyang pagkilala ang Kapuso Primetime King at President ng samahan ng mga AKTOR.   Ang posibleng naging dahilan ng Instagram post na ito ni Dingdong Dantes ay ang halos sunod-sunod na pagkapanalo ng mga international awards ng mga Pinoy actors.   Sa Instagram post ni Dingdong, inisa-isa niya ang mga actor na napaparangalan […]