• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas 3×3 biyaheng Austria na para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament

Patungo na sa Graz, Austria ang national 3×3 team matapos ang ilang buwan ensayo sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

 

Pangungunahan ni head coach Ronnie Magsanoc ang six-man delagation para sa 2021 FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament mula Mayo 26 hanggang 30.

 

 

Binubuo nina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Santi Santillan, and 31st Southeast Asian Games gold medalists CJ Perez at Moala Tautuaa.

 

 

Bigo namang makasama si Karl Dehesa dahil sa kailangan makumpleto pa nito ang 14-day quarantine para sa ma-complya ang health and safety protocols.

 

 

Nasa Group C ang Gilas 3×3 na kasama nila ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.

 

 

Kakaharapin nila ang Slovenia at Qatar sa Mayo 26 habang ang France at Dominican Republic ang kanilang makakasagupa sa Mayo 28.

 

 

Ang dalawang top team sa apat na grupo ay aabanse na sa knockout stage sa darating na Mayo 30 at ang top three teams ay makakapasok na sa Tokyo Olympics.

Other News
  • DILG, maaaring i-realign ang pondo para ma-cover ang re-employment ng contact tracers – Avisado

    MAAARING i-realign ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pondo nito para ma-cover ang re-employment ng contact tracers (CTs).   Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado bilang pagbibigay katiyakan matapos na sabihin ng DILG noong Enero 16 na maaari lamang silang makapag-rehire ng 15,000 CTs […]

  • Sa muling pagsasanib-pwersa nila ni Direk JOEL: SEAN, susubukan nang tumawid sa pagiging dramatic actor

    MULING magsasanib-pwersa sa pelikula sina Sean De Guzman at Direk Joel Lamangan sa social media crime drama movie na may working title na Fall Guy.     Ang Fall Guy ay istorya ay tungkol sa isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay isinulat […]

  • Mga empleyadong 40-yr old pataas, ‘priority’ sa A4 vaccination – DOH

    Nilinaw ng Department of Health (DOH) na may susundin pa ring “prioritization” kapag nagsimula na ang COVID-19 vaccination sa A4 group o essential workers.     Ayon kay Health Usec. Leopoldo Vega, ituturing na priority sa vaccination ng essential workers ang mga manggagawang 40-years old pataas.     “Itong June na to, bibilisan ang A1 […]