Gilas 3×3 todo ensayo na!
- Published on May 22, 2021
- by @peoplesbalita
Doble-kayod na ang Gilas Pilipinas 3×3 bago tumulak patungong Graz, Austria para sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 29 hanggang 30.
Ayon kay Gilas 3×3 head coach Ronnie Magsanoc, sumasalang sa dalawang ensayo kada araw ang kanyang bataan dahil ngayon lamang nakumpleto ang tropa.
“In terms of effort, I really could not ask for anything more from the players during our first week of training, and they also did their best to build on that with our online training sessions,” ani Magsanoc.
Itutuloy ang twice-a-day training hanggang sa Sabado bago umalis ang delegasyon sa Linggo patungong Austria.
Tiwala si Magsanoc sa magiging laban ng Gilas 3×3 kontra sa matitikas na koponan sa mundo.
Nasa Pool C ang Pilipinas kasama ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.
Kailangan ng Gilas 3×3 na makakuha ng dalawang panalo o higit pa upang umabante sa knockout quarterfinals.
“Now it’s about bringing everything together and forming a team that we can be proud of, a team that can compete against the best in the world,” ani Magsanoc.
Bibitbitin nina Joshua Munzon, Mo Tautuaa, CJ Perez at Alvin Pasaol ang bandila ng Pilipinas sa Olympic qualifiers kung saan ipaparada ng tropa ang bagong Gilas 3×3 jersey.
-
Emmanuel Ledesma Jr. itinalaga bilang PhilHealth chief
ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Emmanuel Rufino Ledesma Jr. bilang pangulo at chief executive officer (CEO) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth). Ang pagtatalaga kay Ledesma ay inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post. Si Ledesma ay magsisilbi rin bilang miyembro ng expert panel at […]
-
Car seats para sa mga bata ipapatupad
Sinimulan kahapon ng Land Transportation Office (LTO) ang pagpapatupad ng restraining car seats para sa mga batang may edad 12 pababa sa mga pribadong sasakyan sa ilalim ng Republic Act 11229 o ang tinatawag na Child Safety in Motor Vehicles Act. Sa ilalim ng Child Car Seat Law na nilagdaan ni President Duterte […]
-
Tulak timbog sa buy bust sa Valenzuela, P238K shabu, nasamsam
MAHIGIT P.2 milyon halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City. Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Jerome Luangco, 42 ng Bonbon Ville Brgy., Ugong, ng […]