• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas nakatutok sa playoff stage

SESENTRO  na ang atensyon ng Gilas Pilipinas sa krus­yal na playoff stage ng FI­BA Asia Cup sa Istora Ge­lora Bung Karno sa Jakarta, Indonesia.

 

 

Wala nang puwang ang anumang kabiguan sa playoffs kung nais ng Pi­noy squad na makapasok sa quar­terfinal stage ng torneo.

 

 

Makakasagupa ng Gilas Pilipinas sa playoffs ang ma­tatalo sa Iran at Japan.

 

 

Nakatakdang mag­harap ang Iran at Japan ka­hapon gayundin ang Gi­las Pilipinas at New Zealand para sa pu­westuhan sa group stage.

 

 

Anuman ang mangya­ri sa final day ng group stage ay kailangan na itong kalimutan ng mga Pinoy ca­gers upang tutukan ang mas mabigat na laban sa playoffs.

 

 

“We have a very young team here, and for them to be able to experience this kind of very high-level com­petition, I think that’s the most important thing,” sa­bi ni Gilas head coach Chot Reyes.

 

 

Naniniwala si Reyes na hindi basta-basta susuko ang kanyang mga bataan na binubuo ng mga bagitong players.

 

 

Bitbit ng tropa ang pu­song palaban na inaasa­hang magdadala sa ka­nilang mga laro.

 

 

“No matter how difficult it is and adversity, we have a chance. For as long as we have a shot to have a chance. For as long as we have that shot, we’ll take it,” ani Reyes.

 

 

Nais ng Gilas Pilipinas na malampasan ang se­venth-place finish sa huling edisyon ng FIBA Asia Cup noong 2017 sa Lebanon.

 

 

“We’d rather take that shot then miss than not take it. Right there, bashers and haters and all, we’d rather take that shot then miss than not take it,” ani Reyes.

 

 

Gusto ni Reyes na may matutunan sa torneo ang mga bagitong players para sa mas malalaking torneong lalahukan ng Gilas Pilipinas kabilang na ang 2023 FIBA World Cup na ida­raos sa Pilipinas.

Other News
  • PBBM, lalagdaan ang EO para pagaanin ang trabaho

    NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang isang executive order (EO)  na naglalayong i-promote na gawing magaan at madali ang trabaho sa Pilipinas  kabilang na ang pag-proseso sa simpleng transaksyon na hindi tatagal ng mahigit sa “three working days.”  Sa isang pagpupulong sa  State Dining Room,  ipinanukala ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual  […]

  • Matapos umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off: SB19, muling nag-perform sa American morning show na ‘Good Day New York’

    INIHAYAG ng SB19 ang kanilang pasasalamat at pagiging proud sa kanilang fandom na A’TIN na umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off.     Sa kanilang IG Live, inilahad ng SB19 members na sina Justin, Pablo, Stell, Ken at Josh ang pasasalamat nila sa A’TIN.     “Maraming maraming salamat! You guys are amazing,” sabi […]

  • Exciting match up ng magkapatid na Ravena sa Japan B.League usap-usapan pa rin

    Hanggang ngayon trending pa rin sa mga Pinoy basketball fans ang makapigil hininga na matchups ng magkapatid na Keifer at Thirdy Ravena sa pagsisimula ng B.League sa Japan.     Kung maalala parehas na may tig-isang panalo na ang San-En NeoPhoenix ni Thirday at Shiga Lakestars ni Keifer sa magkasunod na banggaan ng dalawang teams. […]