• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas optimistiko sa Olympic qualifiers

Sa kabila ng kaliwa’t kanang injuries sa lineup, nananatiling mataas ang moral ng Gilas Pilipinas na haharap sa mga bigating tropa sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na pormal nang lalarga nga­yong araw sa Belgrade, Serbia.

 

 

Posibleng hindi makalaro si Dwight Ramos na may iniindang groin injury habang napasama pa sa injury list ng Gilas Pilipinas si naturalized player Angelo Kouame na nananakit ang tuhod.

 

 

Nauna nang nagtamo ng injury si Carl Tamayo na nagtamo naman ng ankle sprain sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Indonesia sa FIBA Asia Cup Qualifiers noong nakaraang linggo.

 

 

Aminado si Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin na malaking dagok ito sa koponan lalo pa’t hindi basta basta ang mga koponang makakalaban sa Olympic qualifiers.

 

 

“We’re banged up. There’s no question we came out in the third win­dow limping. Ange Kouame is nursing is a deep knee bruise, deep knee contusion that he got in the third window and he’s not at full speed,” ani Baldwin.

 

 

Sa kabila ng lahat, buhay na buhay ang dugo ng Gilas Pilipinas na excited nang makipagsabayan sa mga veteran players ng Serbia at Dominican Republic.

 

 

Bitbit ng Gilas Pilipinas ang pusong palaban na siyang mantra ng koponan sa kanilang mga international tournaments.

Other News
  • NANUMPA sa kanilang katungkulan

    NANUMPA sa kanilang katungkulan ang mga bagong halal na opisyal sa 18 barangay sa Navotas City. Ang mass oathtaking ay binuksan ng isang misa na sinaksihan nina Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, mga konsehal, at mga department head ng mga tanggapan ng pamahalaang lungsod. (Richard Mesa)

  • Guce sumalo sa ika-25 posisyon, binulsa P91K

    WINAKASAN ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa even-par 72 upang mag-three-day aggregate six-under par 210 upang humilera sa triple-tie 25th spot na may $2,049 (P98K) each sa 16th Symetra Tour 2021 9th leg $200K 10th Island Resort Championship finals sa Sweetgrass Golf Club sa Harris, Michigan noong Lunes.     Malamig na laro ito […]

  • Angkas posibleng mag-operate muli

    Ang motorcycle back-riding na Angkas ay papayagan muling mag-operate “in principle” pending health safety guidelines na kanilang dapat gagawin na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang labanan ang paglaganap ng COVID -19.   Sa ilalim ng Resolution No. 47, ang IATF, ay inatasan ang Department of Transportation […]