Gilas Pilipinas ensayo agad!
- Published on June 29, 2021
- by @peoplesbalita
Matapos lumabas ang negatibong resulta ng swab test, diretso ensayo agad ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang dalawang matinding laban na pagdaraanan nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia.
Agad na sumalang sa pukpukang training ang Gilas Pilipinas para pagpagin ang kalawang sa mahabang biyaheng pinagdaanan nito patungong Belgrade.
Ikinasa agad ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin ang magiging game plan ng kanyang bataan laban sa host Serbia at Dominican Republic na parehong bigating koponan.
Masaya si Baldwin sa itinatakbo ng kanyang programa sa Gilas Pilipinas.
Ngunit alam nitong masusubukan ng husto ang kanyang bataan sa Belgrade.
Nilinaw din ni Baldwin na wala pang plano kung mananatili ito bilang head coach ng Gilas Pilipinas.
“This is a program, and we’re happy right now. It feels good after winning, but this thing, we’re gonna hit speed bumps and when we do, we have to assess: How do we conquer the next mountain?,” ani Baldwin.
Handa rin itong magsakripisyo sakaling magkaroon ng pagbabago sa coaching staff gaya ng sakripisyong ginagawa ng mga players na hindi napapasama sa Final 12 ng koponan.
“And if that means a coaching change, then I have to make the same sacrifice as Jaydee Tungcab and Javi Gomez De Liano made. They have to step aside when they’re called to do that, while I will have to do the same thing,” ani Baldwin.
Matagal nang nasa Pilipinas si Baldwin at naitanim na sa puso nito ang bandila ng Pilipinas.
-
Ads September 3, 2024
-
TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang nakamit ng Lungsod ng Navotas na pang-anim na Seal of Good Local Governance
TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco, kasama sina Vice Mayor Tito Sanchez at DILG Navotas City Director Jenifer Galorport, ang nakamit ng Lungsod ng Navotas na pang-anim na Seal of Good Local Governance mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel. (Richard Mesa)
-
DEL ROSARIO BIDA NG FLORIDA GOLF
TINAKPAN ni Pauline Beatriz Del Rosario ng apat na birdie ang isang double bogey at apat ding bogey para pamayagpagan ng isang palo ang 2022 East Coast Women’s Pro Golf Tour Leg 4 $60K Mayfair Country Club Women’s Championship sa MCC sa Sanford, Florida nitong Huwebes. Kinasahan ng 23-taong-gulang at tubong Las Piña […]