Gilas Pilipinas guest team sa 46th PBA 201 PH Cup
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
PUWEDENG maging guest team na maaringng manalo ng championship ang Gilas Pilipinas sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup umpisa sa darating na Abril 9.
Ito ang siniwalat ni Commissioner Willie Marcial makalipas ang special PBA Board of Governors meeting nitong Lunes.
Ayon sa kanya, magiging magiging bahagi ng preparasyon iyon ng national men’s basketball team para sa 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2021 sa Jakarta, Indonesia sa August 16-28.
Iminungkahi ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) sa PBA sakaling walang masalihan international tournament o exposures ang Gilas papunta sa Asia Cup tournament proper bunsod pa rin ng pandemyang COVID-19.
May ilang beses ng naging guest squad ang PH quintet sa pro league pero hindi nanalo ng titulo, maliban sa NCC na naghari sa 1985 Reinforced Conference na ginayahan nina Fil-Ams Arthur Engellan, Jeffrey Moore at Dennis Still.
Kasabay nito, tatlo hanggang limang player ang hiniling ng SBPI sa pro league sa special draft ng 36th PBA Draft 2021 sa March 14. Isusumite ang mga pangalan ng mga player kay Marcial sa mga susunod na araw. (REC)
-
‘City Hunter The Movie: Angel Dust’ Dives Deep into Tokyo’s Shadows, Mixing Action, Mystery, and Cameos
THE final chapter begins in the long-awaited theatrical release of City Hunter The Movie: Angel Dust with the film’s main protagonist Ryo Saeba, a highly-skilled gunman and most-sought “sweeper” working tirelessly to get rid of crimes in the city of Tokyo. A non-stop hyper-action anime film, City Hunter The Movie: Angel Dust is based on the latest […]
-
Happy na muling makatrabaho si Jo Berry: NORA, hinay-hinay na sa pagtanggap ng movie dahil sa health
TUMANGGAP si Superstar Nora Aunor ng parangal bilang Filipino National Artist sa World Class Excellence Japan Awards. Personal na tinanggap ni Ate Guy ang award na ginanap sa isang five-star hotel sa Pasay City. “Pangalawa na ‘to, e, na binigay na award sa akin kaya lang ‘yung una, sa […]
-
‘Wag mag-iwan ng alcohol sa sasakyan – MMDA
PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasang mag-iwan ng mga bote ng rubbing alcohol sa loob ng kanilang mga sasakyan. Sinabi ng MMDA na maaaring magdulot ng disgrasya ang alcohol kapag naiwanan sa loob ng sasakyan lalo na kung mabibilad ito sa matinding init ng araw. […]