• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas guest team sa 46th PBA 201 PH Cup

PUWEDENG maging guest team na maaringng manalo ng championship ang Gilas Pilipinas sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup umpisa sa darating na Abril 9.

 

 

Ito ang siniwalat ni Commissioner Willie Marcial makalipas ang special PBA Board of Governors meeting nitong Lunes.

 

 

Ayon sa kanya, magiging magiging bahagi ng preparasyon iyon ng national men’s basketball team para sa 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup 2021 sa Jakarta, Indonesia sa August 16-28.

 

 

Iminungkahi ito ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) sa PBA sakaling walang masalihan international tournament o exposures ang Gilas papunta sa Asia Cup tournament proper bunsod pa rin ng pandemyang COVID-19.

 

 

May ilang beses ng naging guest squad ang PH quintet sa pro league pero hindi nanalo ng titulo, maliban sa NCC na naghari sa 1985 Reinforced Conference na ginayahan nina Fil-Ams Arthur Engellan, Jeffrey Moore at Dennis Still.

 

 

Kasabay nito, tatlo hanggang limang player ang hiniling ng SBPI sa pro league sa special draft ng 36th PBA Draft 2021 sa March 14. Isusumite ang mga pangalan ng mga player kay Marcial sa mga susunod na araw. (REC)

Other News
  • NUMERO sa COVID19, IPALIWANAG NANG MALAMAN ang KATOTOHANAN

    Naglabas ng bagong numero ang Department of Health para sa date  na Abril 18, 2021, tungkol sa COVID 19:     New cases    –           10, 098 Death            –           150         RECOVERED –          72, 607     Sa kabuuan, ang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas ay 936,133.   Pero 779,084 dito ay gumaling at ang namatay ay 15,960.  Kung ganun […]

  • MECQ sa NCR ‘di ipinapayo ng OCTA na luwagan

    Binalaan ng mga eksperto mula sa OCTA Research Group ang pamahalaan sa pagluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions sa National Capital Region (NCR) kahit pa bahagyang bumagal na ang pagkalat ng sakit.     Sinabi ni OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco na dapat tumagal muna ng ilang linggo na mababa sa 1 ang reproduction […]

  • Road closure sa Maynila, nagsimula na

    NAGPATUPAD na nang pagsasara ng mga kalsada ang mga awtoridad sa bisinidad ng National Museum sa Maynila kaugnay ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa Hunyo 30.     Alas-11 ng Linggo ng gabi nang umpisahang isara ang Padre Burgos Avenue, Finance Road, Maria Orosa Street mula Kalaw hanggang Padre Burogs, at General Luna […]