GILAS Pilipinas, handang sumabak sa PBA
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
Malugod na tinanggap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang alok ng PBA na payagang makapaglaro ang Gilas Pilipinas.
Sinabi ni SBP President Al Panlilio na mula pa noon ay mahigpit na ang partnership ng GILAS at PBA.
Isa rin aniyang pagkakataon ito para makapa-ensayo na ang national team.
Huling nakibahagi ang Gilas sa PBA ay noong 2011 na binubuo nina Marcus Douthit, Chris Tiu, JVee Casio at Marcio Lassiter kung saan nabigo sila sa Barangay Ginebra sa Commissioner’s Cup.
Sa ngayon ay abala ang Gilas sa bubble training camp sa Calamba, Laguna para sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers.
Nakatakda silang magtungo sa Doha, Qatar sa darating na Pebrero 13.
-
Batang babae, binugbog ng ina ng kalaro, kritikal
KAAWA-AWA ang sinapit ng pitong taon gulang na batang babae matapos umanong pagbubugbugin ng husto ng nanay ng kanyang kalaro sa Caloocan City. Nasa kritikal pa rin na kalagayan matapos isailalim sa maselang operasyon ang biktimang si alyas “Jenny” sa Camarin Doctor’s Hospital, sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan. Ayon […]
-
Kaya matutuloy na ang ‘Pagtatag’ concert: Problema ng SB19 sa dating management, naayos na
SA wakas ay natapos na ang problema ng SB19 na may kinalaman sa kanilang dating management na ShowBT Philippines Corp. Sa pamamagitan ng sariling ahensiya ng phenomenal boy group, ang 1Z Entertainment, ay inanunsiyo nila na nagkaroon na ng pagkakasundo nito lamang Disyembre 5. Ayon sa kanilang Facebook post, ay nagkaroon […]
-
Contingency funds makakatulong sa mga OFW sa Israel
MAAARING gamitin ng gobyerno ang contingency funds para tulungan ang mga apektadong Pilipino sa Israel matapos pag-atake ang Palestinian Islamist group na Hamas noong Sabado. “Contingent fund may be used for their repatriation and generate jobs for affected Filipinos. The government must come up with economic plans to cushion their abrupt termination of […]