• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gilas Pilipinas kasama ang South Korea sa Group A ng FIBA World Qualifiers

Makakasama ng Gilas Pilipinas sa Group A ng 2023 FIBA World Cup Qualifiers ang New Zealand at South Korea.

 

Nasa Group B naman ang Australia, China, Japan at Taiwan.

 

 

Habang sa Group C ay ang Jordan, Lebanon, Indonesia at Saudi Arabia.

 

 

Pinangunahan naman ng bansang Iran ang Group D kasama ang Kazakhstan, Syria at Bahrain.

 

 

Gaganapin ang first window ng home-and-away sa Nobyembre habang ang susunod n window para sa first round schedule ay sa Pebrero, Hunyo at Hulyo sa susunod na taon.

 

 

Ang tatlong koponan sa bawat grupo ay aabanse na sa ikalawang round.

 

 

Huling nagharap ang Pilipinas at South Korea ay noong nakaraang dalawang buwan sa Asia Cup qualifiers sa Clark kung saan nagwagi ang Gilas 81-78.

 

 

Ang pinakamataas na panalo ng Pilipinas sa FIBA World Cup ay noong 1954 sa Rio de Janeiro kung saan nakuha nila ang bronze medal kasama si Carlos Loyzaga.

Other News
  • 3 disqualification case at 1 petisyon para sa kanselasyon ng CoC ni Marcos, ibinasura ng Comelec

    IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang mga petisyon ng mga petitioner para baligtarin ang pagbasura sa mga kaso laban sa kandidatura sa pagkapangulo ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.     Sa botong 6-0-1 ay pinagtibay ng komisyon ang pagbasura sa apat na disqualification cases laban sa dating senador.     Kabilang sa […]

  • Advocacy niya ang autism awareness and detection: HERLENE, pasok na sa official list of candidates ng ‘Binibining Pilipinas 2022’

    KABILANG na si Herlene  “Hipon Girl” Budol, sa official list ng 40 candidates para sa Binibining Pilipinas 2022.     Teary-eyed si Herlene nang tawagin ang number 67 na number niya sa final screening ng beauty pageant.     Ang layo na nga ng narating ng comedianne at former Wowowin host, matapos ang maraming intrigang kanyang […]

  • Limited face-to-face classes sa mga low risk areas

    Binigyang diin ng Malacañang na ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa limited face-to-face classes ay para lamang sa mga paaralang nasa ilalim ng low risk area classification o mga nasa modified general community quarantine (MGCQ) o nasa transition phase na ng MGCQ papuntang new normal.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mayroon pa […]